Libangan - Ako Ay Filipino

Rimini, Mayo 18, 2015 - Matagumpay ang ginanap na 2nd President’s Cup 2015 - One day Basketball League-  nitong Abril sa Rimini, Italy. Ito ay pinangunahan ng  FCRC - Filipino Community Romagna Chapter sa ilalim ng pamumuno ng  presidente ng Filipino Community in Romagna Chapter at Founding President ng Federation of Filipino Communities in Emilia Romagna and Marche na si Max Mercado, sa tulong ng kanyang maybahay na si Rengee Mercado at ng lahat ng opisyales ng FCRC.

Ang nabanggit na pagtitipon ay dinaluhan ng higit sa 200 bisita na karamihan ay nagbuhat pa sa mga iba’t ibang probinsya ng Emilia Romagna at Marche.

Roma, Marso 6, 2015 - Tinanghal na kampeon si Aaron Vasco sa kauna-unahang ASFIL-ROMA Pingpong Tournament (for a cause) noong February 22, 2015. Samantalang nasa ikalawang puwesto si Ed Bautista at ikatlong puwesto si Blas Trinidad Jr.


Sa kolaborasyon ng ASFIL-ROMA at Pinoy Table Tennis Club Rome, layunin ng tournament na pasiglahin at himukin ang mga Pilipino, higit sa lahat ang kabataan, na magkaroon ng panahon at kaalaman sa ping pong at iba pang sports. Sinisigurado ng grupo na dahil sa tabu pay ng kauna-unahang tournament ng ping pong ay magkakaroon pa ng mga susunod na torneo para sa mga propesyunal at ganun din sa mga hindi propesyunal. Hangad rin ng grupo na maisagawa ang isang malakihang torneo, ang 'Hari ng Pingpong sa Italya.'

Catania, Disyembre 15, 2014 - Naging matagumpay ang pagdiriwang ng Filipino Communities Federation of South Italy (FILCOMFEDSI) Winter League sa Catania nitong nakaraang linggo Dec. 7 na inorganisa ng Filipino Association of Catania (FAC) bilang host community ng tournament sa pangunguna ng presidente na si Baby Villapando at vice-president Bhong Y. Hailar Jr.
 
Dumalo rin sa nasabing okasyon mula sa Consulate of the Republic of the Philippines Palermo si Consul a.h. Antonino Di Liberto bilang panauhing pandangal na nagkaroon ng pagkakataon na magdaos ng consular service sa araw mismo ng paligsahan at nagbigay ng serbisyong publiko sa mga nangangailangan.

Rome, Marso 6, 2015 - 'Strike out!' Ang sigaw ng RAMBO team nang tanghaling CHAMPIONS ng RAM Bowling Tournament “STRIKE FOR A CAUSE” nitong Pebrero sa Roma.

Inorganisa ng RAM Italy Europe (Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa) ang samahan na pinamumunuan ni Nazareth Larido, na may layuning gumawa ng iba’t-ibang proyekto sa tulong ng sports hindi lang sa Roma, kundi sa buong Italya upang makapagbigay ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan sa Pilipinas.

Sa ginawang bowling tournament ay 13 teams of 4 players ang naglaban-laban sa elimination at kumuha ng 6 top teams sa final round.

Salsomaggiore Terme, Pebrero 4, 2015 - Nanguna ang isang grupo ng mga Pinoy sa ginanap na Dart National Competition Class C ng FEDI sa Salsomaggiore Terme nitong Enero.

Ang grupong DC Jalapenos FFGF (Federazione Filippina Gioco Frecette) na binubuo nina Ronaldo Samson, Cesar Quiambao, Allan Santos at Dante Dellagas Genil, ang kanilang leader, ang nakasungkit ng first place sa Dart National Competition o  Finale del Campionato Nazionale 2014 na inorganisa ng FEDI o Federazione Electronic Dart Italiana Serie C noong nakaraang buwan.

Roma, Hunyo 24, 2014 - Sa ikatong pagkakataon ay nagbalik ang JAO’s CUP One-day League with Ginebra at Purefoods Legends nitong Hunyo sa Roma.

Napatunayan muli nina Ej “The Giant” Feihl, Marlou “The Skyscrapers” Aquino at Bal “The Flash” David ng Ginebra at sina Jerry “Defense Minister” Codinera, Nelson “The Bull” Asaytono, Rodney “The Slasher” Santos ng Purefoods ang angking galing sa basketball.

Wala pa ring kupas ang mga PBA legend players at talagang iniidolo pa rin ng mga basketbolista sa Roma. Bagaman retired na, ay mainit pa rin ang pagtanggap sa mga ito.

Tulad ng inaasahan puno ang gym ng mga mahihilig sa basketball at mga ‘fans’. Walang patid ang tilian. Walang humpay ang pagpapa-picture sa mga panauhin habang naglalaro, na naging dahilan upang maagang tapusin ang exhibition game.

More Articles...