Libangan - Ako Ay Filipino

20
Wed, Sep

Bukod sa pakikipagtulungan sa ginanap na consular mobile service ay aktibo rin ang komunidad sa sports.

Rimini, Mayo 5, 2014 - Naging matagumpay ang ginanap na consular mobile services sa Rimini, sa pangunguna ni Consul General Marichu Mauro kasama si Vice Consul Helen Sayo. Sa pakikipagtulungan ng FILIPINO COMMUNITY-ROMAGNA CHAPTER at ng MABUHAY Community ng Ravenna humigit kumulang sa 150 katao ang nabigyan ng pagkakataon na makapag-renew ng passport, at marami din ang nagkaroon ng nakapag-asikas sa kanilang PAG-IBIG,SSS OWWA membership at marami pang ibang serbisyo.

Nagpatawag din ang kararating lang na ConGen MARICHU MAURO sa ibat ibang icommunity leaders na maikling pagpupulong kung saan tinalakay ang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan sa kanyang sinasakupan.

“We, in AS FIL-ROMA believe that Filipinos are world class athletes that we can be proud of" – Luis Salle
 
 
Roma, Abril 2, 2014 - Masayang ipinagdiwang ng AS FIL- ROMA ang kanilang unang anibersaryo noong ika-16 ng Marso sa The Piper Club. Dinaluhan ng iba't ibang grupo ng mga manlalaro mula sa bowling, bike, dart, billiards at iba pang grupo.
 
Ang AS FIL-ROMA o Associazione Sportiva dei Filippini a Roma ay may layuning bigyang buhay ang interes ng ating mga kababayan sa larangan ng sports.
 
Misyon ng AS FIL-ROMA ang ituro ang kahalagahan ng sportsmanship na daan upang mas lalong magpapalakas sa pagbubuklod ng samahan ng mga migrante sa Italya.
 
Nabuo ang grupo noong 2013 sa pangunguna nila Luis Salle at Teddy Perez nang sila ay magkitang muli. Dahil sa pawang puro basketball at volleyball ang mga sikat na tournament sa Roma, nagdesisyon ang dalawa na mag-organisa ng iba pang sports gaya ng bowling, dart, billiards at bike race.

Roma, Enero 31, 2014 - Ang Ed Frisnedi Cup ay isang torneo alay sa isang miyembro ng Pinoy Darters in Rome na sumakabilang buhay kamakailan lamang dahil sa renal failure. Minarapat ng grupo ang mag-organisa ng maliit na torneo bilang pagpugay, pagkilala at paggunita kay Ed na taus-pusong sumuporta Pinoy Darters noong nabubuhay pa.

Muling nagbigay ng karangalan sa bansa si Manny "Pacman" Pacquiao matapos talunin si Brandon Rios sa laban sa Cotai Arena sa Macau, Linggo ng hapon.

Kasabay nito ay muling nakabangon si Pacman matapos ang dalawang sunod na talo sa kamay nina Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez.

Nagwagi ang People's Champ via unanimous decision sa iskor na 120-108, 119-109 at 118-110.

Rome, Enero 31, 2014 - Muling umarangkada ang mag-asawang Jeff at Karen Ocampo at nagbalik sa JAO’s CUP One-day League with PBA Legends na sina Bong “The Specialist” Ravena, Noli “The Tank” Locsin at Alvin “The Captain” Patrimonio. Ginanap noong January 26 sa Torrevscchia Roma.

Puno ang gym, nakakabingi ang tiliian ng mga ‘tifosi’ at di magkamayaw ang mga fans.

Wala pa ring kupas ang mga PBA legend players at talagang iniidolo pa rin ng mga basketbolista sa Roma. Bagaman retired na, ay mainit pa rin ang pagtanggap sa mga ito. Walang patid ang tilian at kinikilig na nagpa-picture ang mga kababaihan na halos maging hadlang sa exhibition game hanggang sa dinner meet and greet sa mga panauhin.

Roma, Enero 30, 2014 - Sa pagpasok ng taong 2014 ay nasargo ni Randy Bosque ang titolong ‘Hari ng 9-Balls sa Italya’ na ginanap noong ika-5 ng Enero sa The Cathedral Billiard Room. Mula sa Firenze, napanalunan ni Randy ang titolo mula sa 16 na manlalaro na nagbuhat  pa sa Vicenza, Milan, Firenze, L’Aquila at gayun din sa Roma.
 
Matatandaan na si Randy rin ang tinanghal na Hari ng 9-Balls noong Marso ng nakaraang taon.
 
Narito ang listahan ng mga manlalarong lumahok:
Mula sa Firenze: Randy Bosque at Emerson Bosque
Mula sa Vincenza: Mark San Juan
Mula sa Milano: Albert Diaz, Erwin Recinto, Julius Luya
Mula sa L’Aquila: Eddie Gonzales at Ruben Gonzales
Mula sa Roma: Kenneth dela Cruz, Catalino Manuel, Jigs dela Pena, Joseph Delen, Joel Camposo, Aldrin Salazar, Bryan Bahiya at Nestor Licud.

Manila - Pinatunayan ng Gilas-Pilipinas na kaya nang sumabay ng Pinoy basketball sa pinakamagagaling sa mundo at hindi hadlang ang kulang na preparas­yon at international exposure.  

Ginanap sa Pilipinas ang FIBA Asia Championship sa unang pagkakataon mula 1973, taon na nagkampeon din ang mga Pinoy sa likod ni Robert Jaworski.  Ang pakikipaglaban noong  Agosto 11 ay nagsilbing qualifier sa 2014 FIBA World Championship sa Spain.

More Articles...