Libangan - Ako Ay Filipino

Roma, Enero 30, 2014 - Sa pagpasok ng taong 2014 ay nasargo ni Randy Bosque ang titolong ‘Hari ng 9-Balls sa Italya’ na ginanap noong ika-5 ng Enero sa The Cathedral Billiard Room. Mula sa Firenze, napanalunan ni Randy ang titolo mula sa 16 na manlalaro na nagbuhat  pa sa Vicenza, Milan, Firenze, L’Aquila at gayun din sa Roma.
 
Matatandaan na si Randy rin ang tinanghal na Hari ng 9-Balls noong Marso ng nakaraang taon.
 
Narito ang listahan ng mga manlalarong lumahok:
Mula sa Firenze: Randy Bosque at Emerson Bosque
Mula sa Vincenza: Mark San Juan
Mula sa Milano: Albert Diaz, Erwin Recinto, Julius Luya
Mula sa L’Aquila: Eddie Gonzales at Ruben Gonzales
Mula sa Roma: Kenneth dela Cruz, Catalino Manuel, Jigs dela Pena, Joseph Delen, Joel Camposo, Aldrin Salazar, Bryan Bahiya at Nestor Licud.

Muling nagbigay ng karangalan sa bansa si Manny "Pacman" Pacquiao matapos talunin si Brandon Rios sa laban sa Cotai Arena sa Macau, Linggo ng hapon.

Kasabay nito ay muling nakabangon si Pacman matapos ang dalawang sunod na talo sa kamay nina Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez.

Nagwagi ang People's Champ via unanimous decision sa iskor na 120-108, 119-109 at 118-110.

Roma - Muling ginanap ng Sentro Pilipino Chaplaincy ang taunang Sportsfest noong nakaraang June 23 sa Basilica of St. Peter and Paul grounds sa Eur. 

Dinaluhan ng mga kabataang buhat sa 30 communities ng 4 na Clusters ang maghapong sportsfest. Basketball, volleyball at badminton ang mga larong pinaglaban-labanan ng mga dumalo. 

Rome - Isang ‘strike for a cause’ ang muling ginanap para sa isa nating kababayang si Ma. Lea Lachica noong June 13, 2013 sa TIAM Bowling Roma. Sa pangunguna ng AS Fil-Roma, nagsagawa ng isang 1-day bowling tournament upang makalikom ng tulong pinansyal para sa terminal cancer patient na nanilbihan bilang domestic helper dito sa Roma.

Dinaluhan ito ng 21 non-professional at 7 professional bowling players. Para sa non-professionals, binuo ang 7 teams na may 3 players bawat isa ay naglaban ng 3 set. Ang top 4 teams ng non-professionals ang nag-advanced sa final round. Samantala, naglaban ang 7 professional players ng 3 set at ang nanalong top 4 players ay nag-advanced sa final round at isinama sa top 4 non professionals team.

Manila - Pinatunayan ng Gilas-Pilipinas na kaya nang sumabay ng Pinoy basketball sa pinakamagagaling sa mundo at hindi hadlang ang kulang na preparas­yon at international exposure.  

Ginanap sa Pilipinas ang FIBA Asia Championship sa unang pagkakataon mula 1973, taon na nagkampeon din ang mga Pinoy sa likod ni Robert Jaworski.  Ang pakikipaglaban noong  Agosto 11 ay nagsilbing qualifier sa 2014 FIBA World Championship sa Spain.

Palermo - Kamakailan ay matagumpay na sinimulan ang Pinoy Summer Sportsfest ng Philippine Don Bosco Association sa  Dopolavoro Ferrovia Sports Center ng Palermo, Italy. Pagkatapos ng isang taon pagpapaliban, muling ibinalik ng mga bagong opisyales ng nasabing asosasyon ang naturang palaro sa pangunguna ng bagong halal na presidente na si Lawrence Mag-iba.

Ang ligang idinadaos kada Linggo ay binubuo ng tatlong kategorya , ang men’s basketball, men’s volleyball at women’s volleyball.  Anim na koponan ang magkatunggali para sa men’s basketball at ito ang The Beginners 2013 team sa pangunguna ng mga managers nito na sina Jhonson Paguyo, Elmer Ramil, Nestor Candalura at Robert Cumlat; Northstar Team mula kina Edison Baltazar, Lito Nicolas at Irineo Baltazar; Batangas Subiryo sa pangunguna naman ni Pablo Umali; Mindoro Bulls Team sa pamamagitan ni Eddie Ignacio; Young Gun’s team ni Pelingong; at ang Uno Money Transfer ni Eric Baluyot.

Roma - Ginanap ang Jao’s Cup, isang One-day League Champ’s of the Champion noong nakaraang May 19 sa Tolive Sportscenter sa Roma kung saan naging panauhing pandangal ang mga PBA players na sina Bal “The flash” David at si Marlou “The skyscaper ” Aquino sa pangunguna ng mag-asawang Jeff at Karen Ocampo, sa tulong ni Ganie Pascual.

Apat na team ang naglaban-laban. Nag-champion sa final score na 63-69 ang San Paolo lbc Red Lion. First runner up ang Westcost Foreverliving Green Falcon; 2nd runner up ang Mancini GPII Blue Eagle at 3rd runner up naman ang Taalenos Triskillion Vulcanos.

More Articles...