Libangan - Ako Ay Filipino

Bologna, Mayo 31, 2013 - Kasunod ng tagumpay ng Hari ng 9-Balls noong Pebrero sa Roma ay dinala ng AS Fil-Roma sa Bologna ang All-Filipino 9-Balls Open noong nakaraang buwan. Dinayo ng mga Pilipinong manlalaro mula Roma, Milan, Firenze, Bologna at Vicenza ang nasabing torneo.

Hinati sa limang grupo ang tatlumpung manlalaro kung saan walo ay pawang mga manlalaro mula sa Roma. Sila ay sina: Aldrien Salazar, Jigs de la Pena, Jericho Camposo, Catalino de Manuel, Jamier Manza, Eduardo Contreras, Ruel Bacerdo at Edwin Mangalino. Matapos ang elimination para sa Top 16 ay naglaban sila sa isang knock-out game kung saan ang walong players ang pumasok para sa quarter finals.

Rome, Abril 30, 2013 - Hindi pa man ganap na natatapos ang winter season, pinangunahan ng AS FIL-ROMA at ng HAGIBIS Bikers,ang isang cycling race na ginanap noong March 10, 2013 sa Pista Ciclabile Magliana na pinamagatang MTB HAGIBIS 2013 Short Track Race. Itinanghal na kampeon si John Mar Cabreros, pumangalawa si Jojo Mecha at pangatlo si Roden Casio.

Isa sa layunin ng KMP o Kapisanan ng mga Mangagawang Pilipino ang itaguyod ang sport.

Ascoli Piceno – Marso 26, 2013 - “Fun and excitement” – ito ang tema sa  ginanap na 1-day Basketball League sa Ascoli Piceno noong nakaraang linggo, ika -17 ng Marso. Sinalihan ito ng 6 na kupunan, ang Mancini team ng Roma, Ancona, Pescara, L'aquila, Filipino Community of Arezzo at ang host team sa Ascoli Piceno, ang KMP.

Halos 600 na Pilipino ang dumalo at nanggaling pa sa ibat-ibang bahagi ng Italya. Nanalo sa nasabing palaro ang grupo buhat sa Roma, at ang MVP award ay iniuwi naman ng manlalarong si Mac Alviar at kasama din sa mythical 5 ang kapatid nitong si Paul Alviar.

Isang ‘joke’ ng kapatid ng ex-Prime Minister sa isang public event ng Pdl. Ang video.

Rome – Pebrero 5, 2013 – Hindi sapat ang buuu at mga insulto mula sa stadium, sa ngayon si Balotelli ay isang ‘negro’, paumanhin isang ‘negretto’, maging para kay Paolo Berlusconi, ang VP ng Milan.

Sa pagsasalita noong nakaraang Linggo sa isang public event ng Pdl sa Monza, ang kapatid ng ex-Prime Minister ay nagsalita ukol sa tagumpay ng Milan laban sa Udine at ang posibilidad ng isang ‘come back’ na magpapahintulot sa team para makapasok sa European Cup. Pagkatapos ay tinukoy ang bagong ‘import’ ng team: “Ngayon, tingnan natin ang ‘little black ng pamilya, ang ‘testa matta…….’

Sa pangunguna ng AS-Fil ay ginanap ang palaro sa bilyar, kung saan nabuo ang Pinoy Billiard Club in Rome.

Roma – Marso 26, 2013 -  Hinirang bilang Hari ng 9-Balls ang taga-Firenze na si Randy Bosque. Pinangunahan ng AS Fil-Roma o Associazione Sportiva dei Filippini a Roma ang torneo. Dinaluhan ng dalawampu’t isang manlalaro upang magtunggali para sa trono noong nakaraang Feb 24 sa Cornelia Club.

Kung ang mga rasista ay palalabasin ang team sa court, ang joke ni Paolo B ay, i-bangko si Super Mario. Maliban na lamang kung ang VP ay aatras.

Roma - Pebrero 5, 2013 - Kung ang ‘chorus line’ mula sa stadium ay magpapahinto ng laro, para sa isang offensive racist phrase ng VP ng iyong team, ay hindi dapat sinimulan ang laro.

Hindi pa rin sumasagot si Mario Balotelli laban sa mga salita ni Paolo Berlusconi. Gayunpaman, makalipas ang ilang araw ay kinakailangang solusyunan ang tadhana ng championship (at ayon sa ilang observers, bigyan ng 2 consensus points ang Pdl sa susunod na eleksyon) ay naging, para sa kanyang mga superiors “the little black in the family” (o negretto di famiglia)

Rome, Enero 16, 2013 - Tagumpay ang kauna-unahang Pinoy dart tournament dito sa Roma, Italya. Sa pangunguna ng AS Fil-Roma, natunghayan ang pamumukol ng 12 dart players para sa titolong ‘Asintado King’ noong nakaraang ika-6 ng Enero 2013 sa Cornelia Club.

Matapos magtunggali sa larong 501 at Killers, kinilalang kampeon ng 1-Day Dart Tournament si Ronell Estoy, ikalawang puwesto si Allan Santos at ikatlong puwesto si Larry Corpuz.

More Articles...