Libangan - Ako Ay Filipino

Luz McClinton, ang kauna-unahang Pinay na nagwagi sa Pro Fame Figure World Championship sa United States noong 2010, ay inuwi rin ang korona ng World Bodybuilding and Fitness Federation (WBFF) Southwest U.S. Championship sa Oklahoma, USA kamakailan.

Si McClinton ay nagwagi ng WBFF Pro Card winner and Figure World Champion at tinalo pa ang health and fitness expert na si Ashley Horner.   

Dalawa sa pinakasikat na boxers ng Pilipinas ang binigyan ng parangal sa WBO 25th Convention sa Seminole Hard Rock & Casino. 

Oktubre 25, 2012 - Kabilang sina Pinoy ring icon Manny Pacquiao bilang 'WBO Fighter of the Decade' at si Nonito Donaire Jr. bilang  'Fighter of the Year', sa mga pinarangalan ng WBO executive committee kahapon.

Ibinigay kay Pacquiao ang pambihirang award dahil sa walong weight division title nito sa nakalipas na dekada.

Kinuha ni Pacquiao ang trono ng WBO welterweight title mula Nobyembre 2009 kung saan pinabagsak si Miguel Cotto ng Puerto Rico sa 12th round sa Las Vegas. Nawalalamang ito sa congressman noong Hunyo nang matalo sa kontrobersyal na split decision kay Timothy Bradley sa Las Vegas din.

altAng kontrobersyal na split-decision win ni Timothy Bradley laban kay Filipino ring icon Manny Pacquiao sa MGM Grand sa Las Vegas ay umabot na hanggang sa Senado ng U.S.A.

Sina Senator John McCain (isang Republican mula Arizona na nahilig din sa boksing habang nasa US Naval Academy), at Se­nate Majority Leader Harry Reid, (ng Nevada Democrat at dating middleweight boxer), ang mga nagnanais bumuo ng United States Boxing Commission.

altMayo 2, 2012 - Si Jessica Sanchez ang napipili diumanong aawit ng “Lupang Hinirang” sa susunod na laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Si Manny ay nagpahayag kamakailan ng pagiging tagahanga ng16 year old Filipino-Mexican na si Jessica Sanchez at umaasahang mananalo ang mang-aawit sa American Idol na kasalukuyang kasama sa top 5.

Ang mga kabataang mang-aawit na pinili ni Pacquaio ay sina Charice, Thia Megia, Zyrene Parsad, Maria Aragon at Sarah Geronimo.

Samantala, sa nalalapit na laban ni Pacquiao kay Timothy Bradley sa Hunyo ay si Kirby Asunto, isang 14 year old Filipina-New Yorker 14 anyos ang pinili nitong umawit ng “Lupang Hinirang”.

 

 

Muling magsasagupa sa isa pang 12 rounds sina Filipino ring icon Manny Pacquiao at Mexican legend Juan Manuel Marquez.

Roma, Setyembre 20, 2012 - Ito ang kinumpirma sa ginanap na press conference sa Beverly Hills, California, kung saan inihayag ang ikaapat na pagtatapat ng magkaribal sa Disyembre 8 (Disyembre 9 Manila time) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Isa lamang diumano ang adhikain ng dalawa sa Part 4 - ang tapusin ang laban sa pamamagitan ng 'knockout', dahil kapwa sila naniniwalang knockout lamang ang magtatapos sa kanilang karibalan.

Rome, June 8, 2012 - Ginanap ang final conference kahapon sa Hollywood Theater, tatlong araw bago ang pinakahihintay na laban ng undefeated American fighter Tim Bradley at ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao.

altTila handang handa na at malakas ang loob na mananalo si Bradley sa pakikipagtunggali nito sa pinakamalaking upset sa Sabado ng gabi sa MGM Grand Garden Arena.

altRome, Abril 13, 2012 - Simula bukas April 14 hanggang 17 ang gaganaping Le Tour de Filipinas at haharap sa 502-kilometrong karera simula sa Sta. Ana, Cagayan at magtatapos sa Burnham Park sa Baguio.

Ang limang local teams ay makikipagsabayan sa 11 foreign entries ng 2012 Le Tour na binubuo ng 75 locals at foreign riders.

More Articles...