Libangan - Ako Ay Filipino

altDalawang players ng Azkals ang suspendido. Sina Fil-British James Younghusband at ang Fil-Spanish Angel Guirado matapos magkaroon ng dalawang yellow cards sa group stage eliminations.

Ayon sa regulasyon ng torneo, ang sinumang playe­r na nabigyan ng ikalawang yellow card o nasipa sa laro dahil sa red card ay awtomatikong suspendido sa susunod na laro.

Sa kaso ng dalawang Azkals players, nakuha ng dalawa ang ikalawang cautions sa krusyal na 2-1 win ng Azkals kamalawa laban sa Tajikistan Lions sa huling laro sa Group B elims.

Nanga­ngahulugan ito na hindi makakatapak sa pitch ng Dasarath Rangasala Stadium sina Younghusband at Guirado para lumaban sa semis simula alas-4:30 ng hapon (Manila time).

Unang nataasan ng yellow cards sina Young­husband (20th minute) at Guirado (88th) sa 2-0 loss ng Azkals noong nakaraang Biyernes laban sa defending champion North Korea Chollima, na karibal ang Palestine sa isa pang semis pairing.

Nakaligtas mula sa suspensyon ang iba pang nakakuha ng tig-iisang yellow cards na sina Fil-British goal keeper Neil Etheridge (37th) laban sa NoKor, Paul Mulders (42nd) at Jason Sabio (88th) kontra India at sina Ray Jonsson (78) at Juan Luis Guirado (52) sa Tajikistan.

altThe Philippine Azkals won against Tajikistan’s Persian Lions in the 2012 AFC Challenge Cup group stage match held in Kathmandu, Nepal. The game ended with a score of 2-1.

Sa pangalawang pagkakataon, matapos ang unang mensahe sa tweeter ng panghahamon ni Floyd Mayweather Jr. noong nakaraang linggo, ay nag-post muli ito sa kanyang Twitter account, at inulit ang pagha¬mon at pangungulit kay Manny Pacquiao na maglaban sila sa Mayo 5.

altTila matutuloy na ang inaabangan ng lahat na sagupaan nila ni undefeated American Floyd Mayweather Jr. at fighting Congressman Manny Pacquiao sa 2012.

 “80-90%, na matutuloy ‘yung mega-fight namin ni Mayweather,” sabi ni Pacman sa isang salu-salo kasama ang mga kaibigan sa sports media sa Harbour View (Luneta) noong isang gabi.

altIsang pambabastos diumano mula sa dala­wang players ng Philippine national men’s football team Azkals na sina Moy at Fil-Spanish Juan Angel Guirado sa anak ng dating Pangulong Fidel V. Ramos na si Cristy Ramos.

Sa salaysay ni Ramos, binastos siya ng dalawang Azkal players nang banggitin ni Moy ang kanyang bra size habang si Guirado ay lantad na humarap na naka-brief lamang nang inspeksyunin ng una ang dugout ng Azkals bago ang friendly match noong Miyerkules laban sa Malaysia sa Rizal Football Stadium kung saan nagsilbi si Ramos na match commissioner.

altManny Pacquiao again was given all he could handle from Juan Manuel Marquez in a back-and-forth 12-round battle, but in the end, the judges awarded Pacquiao another close decision win.

The Filipino sensation was taken to the limit Saturday night before winning a majority decision that infuriated Marquez and most of the crowd at the MGM Grand arena. While close, the win helped Pacquiao continue a remarkable run that has made him the most exciting fighter in the sport.

Pacquiao against a counterpuncher who was both accurate and fast, needed the final round on two scorecards to pull out the win. He got it, even though a third judge scored the round in favor of Marquez.

 

More Articles...