Libangan - Ako Ay Filipino

altBagaman iniba ng Azkals ang kanilang taktika sa pakikipagtunggali sa Kuwait, naglaho pa rin ang pangarap para sa 2014 World Cup ng Philippine football team Azkals. Hindi dumating ang ipinagdarasal na himala sa Rizal Memorial Football Stadium, at nagsara ang second round na tinambakan ng Kuwait ang Azkals sa 5-1 aggregate advantage.

Natatandaang sa first leg pa lamang ay nabaon na ang Azkals sa 0-3 loss noong Hulyo 23 sa Mohammad Al-Hammad Stadium sa Hawalli sa teritoryo ng Kuwait.alt

Ayon pa sa report, nananatiling susuporta pa rin ang mga fans ng Azkals sa kanila sa kabila ng mga naging resulta ng laro kahapon dahil ang mahalaga diumano sa mga ito ay namulat ang mata ng mga Pinoy sa larong ito. “Soccer is now a real thing to Filipinos”, dagdag pa ng mga fans.

Ang grupo, gayunpaman, ay muling magsasanay kasama ang Under-23 Team sa Agosto bilang preparasyon sa Long Teng Cup sa Taiwan sa Setyembre.

Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, hindi mahulugang karayom ang Rizal Memorial Football Stadium kahapon dahil sa harap ng pinakamalaking crowd na nanood ng football sa Pilipinas, ay gumawa ng kasaysayan ang Philippine Azkals na nagbaon sa Sri Lanka Reb Bravers sa score na 4-0.

altIto ang kauna-unahang World Cup qualifier win sa kasaysayan ng Philippine football, at una rin sa second round.

Hindi binigo ng Azkals ang fans, mula sa opening hanggang sa final whistle ay talaga namang perfect moment para sa Philippine football.

Parang magigiba ang rafters ng Rizal Memorial ng maka score si Chieffy Caligdong sa 19th minute para sa 1-1 deadlock sa first leg sa Colombo noong Miyerkules

Hindi na magkarinigan nang sumunod na umiskor si Phil Younghusband sa 43rd minute para sa 2-0 lead sa halftime.

Pagkatapos ng break, kasabay ng mahigpit na depensa, sa 51st minute ay ang goal ni Angel Guirado, sa 57th naman ang ikalawang goal ni Phil Younghusband na syang nagbaon ng tuluyna sa red Bravers.

“I think we made a lot of pressure in the first 15-20 minutes. We we’re in a good flow today overall and we have many, many more chances,” dagdag pa ng coach nito na si Michael Weiss.

Nagbukas ang landas ng Azkals sa 2014 Brazil World Cup para harapin sa second round ang Kuwait.

Isang tabla 1.1 ang resulta ng Philippine football team Azkals at host squad Sri Lanka Brave Reds sa opening leg ng kanilang 2014 World Cup qualifier first round match sa Sugathadasa Stadium sa Colombo.

Ang Sri Lankan veteran Chathura Guna­rathna sa 41st minute ang gumawa ng unang score.alt

Sinalba naman ng Fil-Am Nate Burkey sa 49th minute ang Azkals upang itabla ang laban may walong minuto matapos maiwan ng Brave Reds.

Ang second leg ay sa Linggo ng alas-3:30 ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila. Ang mananalo sa tie ng Azkals at Sri Lanka ang aabante sa second round laban sa Kuwait.

Kung sakaling ang laro sa second leg ay mauwi sa scoreless draw, ang Azkals ang aabante sa second round sa bisa ng mas matimbang na away goal.

altRome - TORNEO MILLE COLORI, ito ang taunang Kid’s World Cup kung saan sampung mga kabataang Pinoy ang may pananabik at buong husay na nakikilahok tuwing buwan ng Hunyo. Ito ay nasa ikatlong taon nà sa pangunguna ng asosasyon  ‘giochiamoapallone.it’, at  patnubay naman ng mga konsehal na dayuhan sa Roma. Ito ay naglalayong tipunin ang mga kabataan  ng iba’t ibang bansa mula 7 hanggang 11 taong gulang na manlalaro ng football upang malapit sa tunay na mensahe ng ‘sports’, hindi lamang bilang pisikal na ehersisyo kundi ang partesipasyon at pakikipag-kaibigan sa mga kapwa batang nakilahok.

Tulad ng mga nakakaraang taon, may halos tatlumpung na bansa tulad ng France, Senegal, Ecuador, Peru, Holland, Cina, Romania, Pilipinas at iba pa ang nakilahok sa naturang palaro na ginanap sa Campo Urbetevere sa Roma.alt

Naging makulay ang selebrasyon bukod sa mga uniprome ng mga manlalaro at nag-gagandahang mga muses, ang makukulay na bandila na buong pagmamalaking iwinawagayway ng mga kabataan. Makukulay din ang mga booths ng mga participating countries dahil sa masaganang hapag na nakahain para sa lahat. Hindi naman magkamayaw ang mga cheerers ng bawat grupo, lalung lao na ang mga magulang na mas tila naging excited pa sa mga manlalaro.

altAng mga kabataang Pinoy ay nagpakitang gilas sa pagtalo sa mga bansang Rwanda 5-3, Bolivia 1-0, Mexico 9-0, Peru 1-1 at natalo naman ng bansang Ukraine 2-1 (gayun din ng grupong binuo ng Millecolori A x B 3-0).

Hindi na magpapahuli ang ating mga kabataan sa larangan ng football at angkop na angkop ang pangalan ng grupo bilang ‘Little Azkals’ ng Pilipinas.

 

altMainit at gitgitan ang naging laro sa pagitan ng Filipino Nurses Association laban sa NB whites.  Sa score na 81-84, inuwi ng Nurses ang tropeo ng pagiging kampeon sa katatapos na liga sa Genova, Italy.  Pumangalawa naman ang NB Whites, 3rd place ang Lakers at 4th place naman ang Filipino Catholic Group.  Pumili ang committee ng mga Best Player sa bawat koponan.  Sa FCG, sinabitan ng medalya sina Jay-R Silbasa, Jun Ray Navarra at Jay-R Mata,  sa Lakers naman ay sina Rowie Tiburcio, Elly Sarmiento, at Jayron Elindo, sa NB whites ay sina Richard Cole, Japh Sarong, at Bimbo Lopez.

Sina Japh Sarong, Lemeul Melitante, Rowie Tiburcio, John Paul Javier, Jayron Elindo, Richard Cole, Jay-r Mata, Jeff Cole, Bimbo Lopez, at Artemio Silbasa Jr  naman ang bumuo sa Mhytical Selections.  Masayang Masaya naman si John Sylvester Esquivel na first time na sumali sa liga sa nakuhang trophy, ang ROOKIE OF THE YEAR.  Tropeo naman ng MVP of the entire league ang nakuha ni Japh Sarong at ang pinaka-star ng liga na MOST VALUABLE PLAYER award naman ay nasungkit ni Lemuel Melitante.  Iniuwi din ng FNHAS ang BEST COACH award na si Lito Villeros.    

Bagama’t may di-maiwasang sakitan at bugnutan sa mga player, sa kabuuan tagumpay ang nasabing liga.  “Nagpapasalamat ako sa mga sumuporta sa mga tumulong sa mga teammates sa mga players, at  nabuo ang team namin nagkasamasama kami, masayang magulo magulong Masaya nagpapasalamat ako at natapos salamat,” ang pahayag ni Richard Cole, ang chairman ng committee on Sport ng Filipino Community Club of Genova.  

“Ginawa ko lang yung dapat  kong gawin para mag champion kaya  ito nakuha ko, ginawa ko lang ang dapat kong gagawin,” masayang kwento naman ni Lemeul Melitante, ang MVP ng championship game.

 Dahil sa tagumpay ng nasabing liga, binabalak muli ng sports committee na muling magbukas ng bagong liga ngayong tag-araw.  (Jasmin Siman-Badillo, Genova Italy)

Pinoy Sport Roma, ito ang pangalan ng asosasyon na pinangungunahan ni Ding Escano. Isang Sports Association na kinagigiliwan ng mga kabataang salihan sa mga ginaganap na Winter at Summer League, na naglalayong hasain ang mga kabataang Pinoy upang isang araw ay makita ang mga itong matagumpay na winawagayway ang bandilang Pilipino sa larangan ng sport.  ‘Sportmanship’ ay isa rin sa hangarin ng asosasyon, ang maging tapat na atleta ng halos 28 group na naglaban-laban dalawang beses sa isang taon ay isa sa susi ng tagumpay ng asosasyon na nasa ika-limang taon na ng pa-liga nito.

alt“Upang maging patas ang laro, mga italian referees, ang aming kinuha mula pa ng umpisa. Ito ay upang maiwasan ang hidwaan sa pagitan ng mga manlalaro”, pagmamalaking sagot ni Ding sa isang interview. “Salamat naman sa availabity ng sport complex na ito ng Piazza Mancini, at maraming kabataan ang nalalayo sa masamang bisyo bagkus ay nawiwili sa sports”., pagtatapos pa nito.

Sa volleyball naging mainit ang labanan sa pagitan ng Gossip girls na naging kampyon sa dalawang taon at Lil’ Peck UG. Ngunit ang mga kabataan ng Gossip girls ang pinalad na muli ay tinanghal na Champion sa ikatlong pagkakataon.

“Noi giochiamo non solo per farci vedere, ma sopratutto per la nostra passione a pallavolo”, ayon sa isa sa atleta ng Gossip girls habang bitbit ang kanilang tropeo. “Giochiamo con serietà e onestà ma rimanere umili è quello che ci insegna lo sport”, dagdag pa ng dalaga.

Samantala habang hindi magkamayaw sa ingay ang mga cheerers sa pinakahihintay na laro ng taon sa pagitan ng dalawang team, ang Rising Sun versus Ilocos United ay nagpakitang gilas naman sa larangan ng basketball. Parehong magaling ang dalawang team at halos hindi magkalayo ang score nito ngunit sa bandang huli ay lumamang ang Ilocos United, na sa unang unang pagkakaton ay tinanghal na Champion ng Pinoy Sport Roma Summer League.

“Giochiamo mentre alleniamo, questo è il segreto del gruppo, divertirsi con il pallone”, pahayag ng isang kabataan sa isang interview ng akoaypilipino, habang patuloy ang talunan at hiyawan matapos ang laro.

Masaya ang naging Awarding ceremonies sa pangunguna ni Consul Ibayan gayun din ng mga naging sponsor ng okasyon.

 Makikita rin ang tuwa sa bawat manlalaro at mapapatunayang umpisa ito ng tagumpay ng hangarin ng asosasyon.

Payapa rin namang iniwan ng organizer ang sports complex.

altMILAN, Italy. - Padre Garcia Team brought home the bacon in the recently concluded Winter-Spring Basketball League of  the Lizards community held at Vimodrone Gym in Milan.

Padre Garcia Team defeated the Barkada Team of Bicol Region  after  an intensely close and very noisy fight.

Team Sodirini landed on the third spot.

The Most Valuable Player (MVP) award went to Chrizhmael Recto who happily shared a piece of his thoughts  on winning:

“Kailangan lang talaga yung may tulungan, nakita ko sa aming team may tulungan talaga.. tsaka yung ano, kooperasyon ng bawat isa, laging dapat nandoon, hindi pwede yun isa lang ang may gusto o may kanya-kanyang gusto, kailangan sa buong team pare-parehas tayo ng gusto”

Team Manager Wilson Pasumbal attributes their winning luck to the cooperation of the entire community of  Padre Garcia, Batangas.

“Nagpapasalamat ako sa inyong lahat sa suportang ibinuhos nyo sa team ng ating bayan, sa lahat ng mga tumulong mula pa noong October, maraming salamat po sa inyong lahat at mabuhay ang mga taga-Padre Garcia.

Despite of the tension and bickering ensued between supporters of the opposing teams, the crowd however went home satisfied  and happy having witnessed an extremely passionate fight between two teams striving for the title. (by: Zita Baron)

 

More Articles...