Italyano ang anak, maaari rin bang maging Italyano ang magulang? - Ako Ay Filipino

Sagot ng eksperto

Ang aking anak ay awtomatikong italian citizen dahil sa kanyang ina na Italyana. Ako ba bilang ama ay magiging italian citizen din?

 

Roma - Ang mga magulang ng mga Italian citizens ay hindi awtomatikong Italians. Sa batas ng citizenship (l. 91/1992) ay nasasaad na ang anak ng mga italian citizens ay awtomatikong may italian citizenship dahil sa prinsipyo ng ius sanguinis. Ngunit hindi maaaring maging awtomatikong Italian citizen ang mga magulang dahil sa Italyano ang anak.

Ngunit kung ang ina o ama ay kasal sa isang italian citizen, ay mas madali ang proseso upang maging naturalized italian sa pamamagitan ng citizenship by marriage. Sa pagkakaroon ng anak, ay maaaring magsumite ng aplikasyon makalipas lamang ang isang (1) taon ng pagiging regular na residente sa Italya matapos ang kasal.

Kung hindi naman kasal ang magulang ng bata, ngunit regular na naninirahan sa Italya ay maaaring magsumite ng aplikasyon para sa citizenship by residency. Ito ay siguradong mas mahabang proseso: para sa mga Europeans ay nangangailangan ng apat (4) na taong regular na residente at sa mga non-EU nationals naman ay nangangailangan ng sampung (10) taon. Bukod pa sa pagkakaroon ng administrasyon ng higit na kapangyarihan upang ibigay o tanggihan ang apliaksyon.

 

Stranieriinitalia

isinalin sa tagalog ni PGA