in

CAS.SA colf, dinagdagan ang mga benepisyo para sa mga colf at mga employers

Ang refund ng mga medical expenses, free medical check-up at insurance policy. Narito ang nilalaman ng bagong health scheme simula March 1.

 

 


Roma – Abril 1, 2015 – Tulong pinansyal kung maa-admit sa ospital, refund ng mga medical expenses, free medical check-ups sa mga awtorisadong klinika para sa mga colf, babysitters at caregivers. Maging insurance policy para sa mga employer.

Ito ay ilan lamang sa mga idinagdag na benepisyo na ibibigay ng  Cas.sa Colf, isang insrtumento na nasasaad sa National Collective Contract for Domestic Job, kung saan  natatala ang lahat ng mga kasambahay at kanilang mga employers. Kinakailangan lamang na tuwing ikatlong buwan, bukod sa kontribusyon sa social security, ay magbabayad din sila ng contractual assistance.

Obligado ang pagbabayad ng sinumang mag-aaplay ng CCNL, na nagkakahalaga ng €0.03 kada oras ng trabaho. Ito ay babayaran ng employer at ang bahaging para sa worker na €0.01 ay maaari na lamang kunin ng employer sa susunod na sahod nito.

Sinimulang ipatupad ngayong Marso ang bagong health scheme ng Cas.sa Colf kung saan nilalawakan ang mga serbisyong nakalaan sa mga nakatala dito.

Sundan sa colfbadanti.it ang buong listahan ng bagong health scheme.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

April 1-10, bayaran ng kontribusyon ng mga colf, caregivers at babysitters

PAGHAHANDA