Bilang isang colf, ano po ang dapat kong gawin? Ang 730 o ang Modello Unico?
Abril 13, 2015 – Sa Italya, ay may dalawang uri ang tax return. Ang 730 at ang Modello Unico. Batay sa uri ng trabaho ng tax payer ay nagbabago rin ang uri ng tax return na dapat gawin:
730
Lahat ng mga empleyado o mga self-employed na walang VAT ( o Partiva Iva) tulad ng mga retirees at mga may kita buhat sa assets, lupain at gusali (kahit sa ibang bansa) ay kailangang gamitin ang 730
Modello UNICO Persone Fisiche
Ang mga mayroong Partita IVA o VAT, ang tumatanggap ng kita buhat sa negosyo, ang mga colf, caregivers at babysitters ay kailangang gamitin ang Modello Unico.
Anu-ano ang mga dokumento na kinakailangan sa paggawa ng tax return?
Ang pangunahing dokumento ay ang mga:
- Certificazione Unica (o dating CUD) at ibang dokumento na nagpapatunay ng withholding tax o ritenute. Ang mga binigyan ng employer ng CUD – dahil sa iba’t ibang dahilan tulad ng pagtatapos ng kontrata – ay maaaring hilingin sa dating employer na palitan ng bagong CU ang ibinigay na CUD.
Para sa mga colf at caregivers: Katibayan buhat sa employer na nagsasaad ng sumatutal ng isinahod sa worker
- Resibo, invoice at anumang katibayan ng pinagbayaran
- Katibayan ng binayarang buwis sa pamamagitan ng F24
Kung mayroong iba pang kita, ipinapayong alamin kung dapat bang gawin ay 730 o Modello Unico sa mga caf o patronati upang malaman din ang mga kinakailangang dokumento para sa paggawa ng angkop na tax return o dichirazione dei redditi .
PAALALA: Ang mga dokumentasyon na gagamitin sa paggawa ng tax return ay kailangang itago hanggang Disyembre 31, 2019, deadline kung hanggang kailan ang awtoridad sa buwis ay maaaring hilingin ang mga ito.
ni: Dott.ssa Maria Elena Arguello
isinalin sa wikang tagalog ni: Pia Gonzalez-Abucay