in

Entry/Exit System (EES): Bagong Sistema ng EU para sa mga Bumibiyahe

Sa nalalapit na pagpapatupad ng Entry/Exit System (EES) ng European Union, inaasahang magbabago ang paraan ng pagpasok at paglabas ng mga non-EU nationals—kabilang ang mga Pilipinong bumibisita sa Europa.

Ano ang EES?

Ang Entry/Exit System (EES) ay isang digital na sistema na awtomatikong magtatala ng datos ng mga biyahero mula sa labas ng EU/Schengen Area. Papalitan nito ang tradisyonal na passport stamping na matagal nang ginagamit sa mga border.

Paano gagana ang EES?

Kapag ang isang non-EU traveler ay pumasok o lumabas sa Schengen border, ang EES ay awtomatikong magrerehistro ng:

  • Biometric data (fingerprints at facial image),
  • Detalye ng pasaporte, at
  • Petsa at lugar ng pagpasok at paglabas.

Bakit ipinatutupad ang EES?

Layunin ng EES na:

  1. Pabilisin ang border checks at bawasan ang pila sa mga paliparan at pantalan.
  2. Palitan ang passport stamping ng mas modernong sistema.
  3. Masigurong nasusunod ang 90/180 days rule, upang maiwasan ang overstaying.
  4. Magbigay ng mas ligtas na kontrol sa migration sa pamamagitan ng eksaktong datos ng mga pumapasok at lumalabas ng Schengen Area.

Sino ang apektado ng EES?

  • Mga non-EU/Schengen nationals na bumibisita para sa short stay (tulad ng tourist o business trip).
  • Kasama rito ang mga Pilipinong bumibiyahe gamit ang Schengen visa.

Hindi saklaw ng EES ang:

  • Mga EU citizens,
  • May hawak ng residence permit o long-stay visa, at
  • Mga matagal nang naninirahan sa EU.

Kailan ipatutupad ang EES?

Bagaman nakaranas ng pagkaantala, inaasahang magsisimula ito sa Oct 12, 2025. Ang mga European countries ay gagawin ang full implementation nitosa lahat ng external borders ng Schengen Area ng April 10, 2026.

Para sa mga Pilipinong nagbabalak bumiyahe sa Europa, mahalagang maging handa sa pagbabagong ito. Hindi na sapat ang simpleng passport stamping—gagamit na ng makabagong teknolohiya upang masiguro ang maayos at ligtas na pagpasok at paglabas sa Schengen countries.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang EES website

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 4.5]

Team Roma, Tagumpay sa InterEurope Season 4 Volleyball Tournament sa Geneva

Milagros Nabur: Huwarang Lider na Itinalaga ng International Diplomats