Available na bukas, November 18, 7am, ang Bonus Elettrodomestici 2025. Sa araw na ito, puwede nang mag-download ng voucher gamit ang app IO.
Ang Bonus Elettrodomestici 2025 ay tulong pinansyal para makabili ng mas energy-efficient na appliances. Pero dahil sa limitadong pondo at maiksi ang validity, importante ang pagiging mabilis at handa sa proseso.
May budget lang na 48.1M euros, kaya posibleng mabilis itong maubos. Ang estimate ay sasapat lang para sa 400,000–450,000 na appliances.
Kung maubusan ng pondo, ilalagay ang bagong requests sa waiting list, at makakakuha lang sila ng voucher kung may mag-expire na hindi nagamit.
Ano ang Bonus Elettrodomestici?
Ang bonus Elettrodomestici ay 30% na diskwento sa presyo ng appliance.
- Max € 100
- Max € 200 kung ang ISEE ng pamilya ay mas mababa sa 25,000 euro
Mga Kondisyon
- Kailangang ipapalit / i-rottamare ang lumang appliance (pareho ng klase).
- Isang voucher lang bawat pamilya.
- Hindi puwedeng pagsabayin sa ibang bonus.
Mga Appliance na Saklaw
May pitong kategorya na puwedeng bilhin:
- Oven (forno)
- Dishwasher (lavastoviglie)
- Washing machine / washer-dryer (lavatrice-asciugatrice)
- Dryer (asciugatrice)
- Refrigerator / freezer (frigorifero-congelatori)
- Range hood (cappe)
- Cooktop (piani cottura)
Ang mga modelong pwede ay may special na label sa stores at online.
Paano Matatanggap ang Voucher
Simula Nobyembre 18:
- Buksan ang app IO
- Mag-log in gamit ang SPID o CIE
- I-submit ang request
- Awtomatikong iche-check ng system ang iyong eligibility at kung may pondo pa
- Kapag approved, ibibigay agad ang voucher
Ang voucher ay pwede agad gamitin sa mga shops na kasali. Pero tandaan: 15 araw lang ang validity, kaya kailangang mabilis magamit.


