in

Bonus Nuovi Nati 2025: Narito ang Gabay para sa mga Pamilya sa Italya

Magandang balita para sa mga pamilyang may bagong silang na anak, nag-aantay ng kapanganakan o nag-ampon ngayong 2025: may nakalaang bonus na €1,000  mula sa gobyerno ng Italya. Ayon sa INPS Circular bilang 76 noong Abril 14, 2025, inilatag ang mga patakaran at paraan ng pag-aaplay para sa benepisyong ito.

Bonus Nuovi Nati 2025: Sino ang maaaring makatanggap?

Ang bonus ay maaaring i-claim ng mga ina o buntis na kababaihan na:

  • May residency sa Italya
  • Italians o Europeans
  • Para sa mga non-EU citizens, kinakailangan ang isa sa mga sumusunod:
    • May refugee status o subsidiary protection (ayon sa D.Lgs. 251/2007)
    • May EU long-term residence permit (D.Lgs. 286/1998, Art. 9)
    • May permesso unico di lavoro na may bisa ng higit sa 6 buwan
    • May permesso per motivi di ricerca para sa pananatili ng higit sa 6 buwan

Bonus Nuovi Nati 2025: Kailan maaaring mag-apply?

Ang aplikasyon ay kailangang isumite sa loob ng 60 araw mula sa petsa ng kapanganakan, pag-aampon, o pre-adoptive foster care.

Mga kwalipikadong pangyayari:

  • Kapanganakan ng sanggol
  • Legal na pag-aampon (batay sa batas 184/1983)
  • Preadoptive foster care, lokal man o internasyonal

Deadline: Maaaring mag-apply hanggang isang taon mula sa petsa ng kapanganakan o pag-aampon.

Tandaan: Sa ngayon, hindi pa aktibo ang online platform ng INPS para sa aplikasyon. Iaanunsyo pa ng INPS ang opisyal na petsa ng pagbubukas ng serbisyo.

Bonus Nuovi Nati 2025: Paano mag-apply?

Kapag aktibo na ang sistema, maaaring isumite ang aplikasyon sa pamamagitan ng:

  • INPS website (www.inps.it)
  • INPS Mobile App
  • Contact Center Multicanale
    803164 (mula sa landline)
    06164164 (mula sa mobile)
  • Mga patronato (libreng tulong)
  • Online gamit ang SPID, CIE, o CNS

Bonus Nuovi Nati 2025: Requirements

ISEE 2025

Upang makapag-apply, kailangang magsumite muna ng updated ISEE para sa 2025. Ang bonus ay ibinibigay lamang sa mga pamilyang may ISEE na mas mababa sa €40,000.

Sa pagsa-submit ng aplikasyon, kailangang ilakip ang sumusunod:

  • Birth certificate ng bata;
  • Kung buntis pa, meical certificate mula sa OB-Gyne o doktor;
  • Valid ID o document ng magulang na nag-aapply;
  • Kopya ng ISEE 2025;
  • IBAN ng bangko kung saan ipapadala ang €1,000

Iba pang mahalagang impormasyon:

  • Hindi ito taxable – hindi ito isasama sa kita para sa buwis (IRPEF)
  • Maaaring isabay sa ibang tulong pinansyal, gaya ng Assegno Unico at Bonus Asilo Nido

Source: INPS

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ina ng Suspek sa Pagpatay kay Ilaria Sula, Umamin sa Pagtulong Itago ang Krimen

Halalan 2025: Narito ang bawat hakbang para sa Pre-Voting Enrollment at Online Voting