in

Bonus Occhiali, narito kung paano mag-aplay

Ang implementing decree ng Ministry of Health para sa €50,00 bonus, na tulong ng gobyerno sa pagbili ng reading glasses o occhiali at contact lens, ay inilathala na sa Official Gazette kahapon, December 15. 

Ang bonus ay nasa 2021 Budget Law, kung saan ang Draghi government noon ay naglaan ng 15 milyong euros para sa tatlong taon, 2021-2023. Narito ang mga dapat malaman.

Makakatanggp ng nabanggit na bonus ang mga miyembro ng pamilya na bumili o bibili ng salamin sa mata o corrective contact lens mula January 2, 2021 hanggang Decembre 31, 2023, sa kundisyong ang ISEE ay hindi lalampas ng €10,000. 

Ang bonus ay pamamahalaan ng isang web application na konektado sa website ng Ministry of Health. Ito ay matatanggap sa pamamagitan ng voucher na ibibigay ng platform, ayon sa pagkakasunud-sunod ng oras ng pagkakatanggap ng aplikasyon, hanggang sa maubos ang fund. Ang bawat miyembro ng pamilya na kwalipikado ay maaaring mag-aplay nang isang beses sa loob ng tatlong taon. 

Ang aplikasyon ay magsisimula sa February 15 hanggang December 31, 2023. At ang voucher ay dapat gamitin ng hanggang sa nabanggit na petsa.

Ang aplikasyon ay dapat gawin sa pamamagitan ng CIE – Carta Identità Elettronica, SPID o CNS – Carta Nazionale dei Servizi. Ang application form ay nasa platform, at  pagkatapos suriin ang mga requirements, ay ibibigay ang digital voucher, isang QR code. Ang voucher ay maaaring gamitin sa mga retailer na nasa angkop na listahan at ito ay balido sa loob ng tatlumpung araw

Samantala, may ibang pamamaraan para sa mga nakabili na ng reading glasses o corrective contact lens. Sa kasong ito, ang bonus ay matatanggap sa pamamagitan ng isang refund

Sa aplikasyon, na dapat ipadala sa nakalaang web platform, ay dapat isulat ang mga detalye ng pinagbayaran at IBAN o bank details ng aplikante sa pamamagitan ng isang autocertificazione. Kailangan din ilakip ang resibo o invoice.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Sanatoria 2020 updates, inilathala ng ‘Ero Straniero’

Assegno Unico, awtomatiko ang renewal sa 2023