in

From Vlogging to Billboards:  Alamin ang nakaka-proud na kwento ni Raga Chad 

Kapansin-pansin ngayong Pebrero ang malalaking billboards sa Milan na may malaking watawat ng Pilipinas at isang natatanging Pinoy – si Raga Chad. 

Mula sa pagiging lavapiatti (dishwasher) hanggang sa pagiging isa sa pinaka pinagkakatiwalaang Filipino vloggers sa Italy, ang 44-taong gulang na si Richard Mendoza mas kilala bilang ‘Raga Chad’, ay patunay na bukod sa sipag at determinasyon, ang pag unawa at pagmamalasakit sa kapwa ang madadala sa’yo sa tagumpay. 

Para sa Pangarap 

Pinetisyon si Chad sa Italia ng kanyang misis, sa kung tawagin ay ricongiungimento familiare taong 2008, para magsimula at bumuo ng bagong pangarap para sa kanilang pamilya. Ngunit hindi naging madali ang kanyang unang mga taon. Tulad ng maraming OFW sa Europa, nagsimula syang magtrabaho kasama ang kanyang asawa bilang colf, or kasambahay at tumanggap ng iba pang mabigat na trabaho upang makaraos sa pang-araw-araw na gastusin.

“Kapag nandito ka sa Europa, dapat matibay ang tiwala mo sa sarili at sa pangarap mo para sa pamilya mo. Lalo dito sa Italy, hindi nila tatanungin kung ano ang tinapos mo sa Pinas, dahil Pinoy ka, ang alam nila ay magaling ka maglinis”, ibinahagi ni Chad.

Ngunit sa halip na manatiling limitado sa kanyang sitwasyon, nagpursigi si Chad na  mag-adapt at i-prioritize ang pag aaral ng basic Italian para mas mapadali ang pag-sabak nya sa buhay italia.  

“Sa simula pa lang, naunawaan ko na agad ang importance ng knowledge ng italian language kaya nag-enroll ako sa free language school for a couple of months para matuto ng basic italian.”

“Napansin ko din kasi na dito sa Italia, palaging may bagong legge o batas, palaging may mga changes o updates sa mga procedures na dapat na gagawin. Kaya nagpilit ako na matuto ng Italian at maintindihan at maging well aware sa mga changes dito sa Italy para sa aking pamilya,” ayon kay Chad.

Taong 2018, dumating ang inaantay na “big break” ni Chad ng magkaroon ng oportunidad na mapabilang sa pioneer crew ng inaabangang pagbubukas ng Jollibee Milan. 

Dito naramdaman ulit ni Chad ang sigla sa trabaho at pagunlad ng kanyang professional career. Makalipas ang isang taon bilang crew, napromote agad si Chad sa posisyon ng assistant restaurant manager. Ito din ang panahon na kinahiligan nyang mag vlog at sinimulan nyang i-bahagi sa social media ang mga experiences nya at ng kanyang pamilya sa Milan. 

Chad Will Be Your Guide

Noong 2020, pormal na inilunsad ni Chad ang kanyang YouTube channel na tinaguriang  “Chad Will Guide”  na layuning matulungan ang kapwa OFWs sa Italy.  Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi niya ang kanyang mga natutunan tungkol sa mga dokumentong kailangang iproseso, mga job opportunities, at mga praktikal na tips sa pamumuhay sa ibang bansa. 

“Kung iisipin, may maayos na akong trabaho (sa Jollibee Milan) kung ikukumpara sa mga naging trabaho ko ng mga nakalipas na taon, pero deep within me, may nagsasabi sakin na mas may pwede pa akong magawa lalo na ang pagtulong sa mga kapwa OFWs sa italia. Especially during pandemic, na ang dami ng nangangailangan ng impormasyon at explanasyon  sa mga dapat gawin at kung paano maka avail ng financial support mula sa gobyerno”, pagunita ni Chad.

Dahil sa tapat, makabuluhan, at madaling sundang impormasyon, mabilis na lumawak ang kanyang audience. Ang dating simpleng passion project ay naging isang pangunahing source ng impormasyon para sa mga bagong Pilipino sa Italy. Hindi nagtagal, si Chad ay kinilala bilang isang maaasahang “Raga” (kaibigan) ng mga Pinoy na nangangailangan ng gabay sa kanilang bagong buhay sa Europa.  

Inspiring with Taptap Send

Ang mahalagang serbisyo na hatid ni Raga Chad sa OFW community ng Italia ang naging dahilan kung bakit sya nilapitan ng Taptap Send, ang mabilis at abot-kayang remittance app na ginagamit ng libu-libong OFWs sa buong mundo. Taglay ang likas na kakayahang makipag-ugnayan sa mga kababayan, si Chad ang napiling pinakaunang opisyal na “brand ambassador” ng Taptap Send sa Italia.

Ngayon, si Raga Chad ang kauna-unahang non-celebrity Filipino na may mahigit 100 billboards sa buong Milan—isang patunay na hindi lang mga artista ang pwedeng maging inspirasyon, kundi pati ang mga ordinaryong OFW na may sipag, tiyaga, at puso para sa kapwa.  

Para kay Raga Chad, ang tagumpay na ito ay hindi lang tungkol sa personal na pangarap kundi isang oportunidad upang makatulong sa mas maraming Pilipino.  

“Hindi ko inakala na ang mga kalsadang nilalakad ko noon bilang isang struggling OFW ay magiging tahanan ng aking sariling billboards ngayon. Sobrang nakakataba ng puso at nagpapasalamat ako sa pagkakataong ito. Higit sa lahat, gusto kong ipakita sa bawat OFW na kaya nating lahat umasenso basta’t may sipag, tiyaga, at malasakit sa iba.” 

Ang kanyang kwento ay isang buhay na patunay na walang imposible sa taong may pangarap. Ngayon, sa pamamagitan ng kanyang partnership sa Taptap Send, patuloy niyang sinisigurado na ang bawat perang pinapadala ng OFWs sa kanilang pamilya ay mabilis, ligtas, at walang mataas na transaction fees.  

Mula sa pagiging isang simpleng OFW patungo sa pagiging isang simbolo ng pag-asa at inspirasyon para sa mga Pilipino sa abroad, si Raga Chad ay patuloy na magsisilbing gabay at sandigan ng mga kababayan sa Italy at sa buong mundo. 

About Taptap Send  

Ang Taptap Send ay isang pinagkakatiwalaang remittance app na layuning gawing mas mabilis, mas mura, at mas ligtas ang pagpapadala ng pera ng mga OFW sa kanilang mga mahal sa buhay. Dahil sa kanilang ZERO transfer fee* offer sa banks at mobile wallet transfers, pinaka sulit na cash pick up fees for only €2.49, at mabilis na transaksyon – patuloy na nagiging pinakamalapit na kaibigan ang Taptap Send ng mga OFW sa Europa, US, Canada, United Kingdom, United Arab Emirates at Australia.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol kay Raga Chad at sa kanyang partnership sa Taptap Send, sundan lang si @chadwillguide @taptapsendph sa Facebook / Instagram.

*FX rates apply. Zero transfer fee on banks & mobile wallets, minimal fee of €2.49 for cash pick-up transfers to The Philippines. Visit www.taptapsend.com for more information on live exchange rates & https://www.taptapsend.com/licenses to know more about Taptap Send’s licenses across the world.

Click to rate this post!
[Total: 6 Average: 5]

SY 2025-2026 Online Enrollment para sa mga first-year classes, hanggang Feb 10 lang!

Minimum wage ng mga colf at badante, bahagyang tumaas ngayong 2025