Ang rekomendasyon ay napapaloob sa ulat ukol sa imahe ng mga imigrante sa halalan.
Strasbourg, 28 Hunyo 2012 – Ang Parliamentary Assembly of the Council of Europe ay inirerekomenda sa mga kasaping bansa na ipagkaloob ang karapatang bumoto at karapatang kumandidato sa local at regional elections, sa mga imigrante na limang taon o kahit mas mababa pang naninirahan ng regular sa bansang kasapi.
Ang rekomendasyon ay napapaloob sa ulat ukol sa imahe ng mga imigrante sa mga halalan na inaprubahan kahapon.
Ayon sa mga parliamentarians ng 47 State members, ang pagbibigay ng karapatang bumoto at ang kanilang representasyon, sa kabilang banda, ay makakapag-pabilis sa kanilang integrasyon. Bukod dito, ang mga politiko ay magsasaalang-alang din ng kanilang kapakanan mula sa panahon ng kampanya sa pamamagitan ng pagbabawas ng "paggamit ng mga xenophobic at racist argument " upang makakuha ng mga boto.
Sa ulat, bukod sa mabigat na paratang sa mga politiko, na responsabile sa paggamit ng mga stereotypes at stigmatization sa kanilang mga speeches, ay ma-criticized din sa media.