Isang malawakang operasyon ng Polizia di Statoang nagbunyag ng isang iligal na sistema na ginagamit upang maipasok o ma-regularize ang mga migrante sa Italya gamit ang pekeng kontrata sa trabaho, false documents, at ang pakikipagsabwatan ng ilang kumpanya.
Ayon sa ulat ng Stranieriinitalia.it, ang operasyon, na isinagawa sa ilalim ng Servizio Centrale Operativo (SCO), ay nagresulta sa pagkaka-aresto ng 9 na katao, lahat ay mga dayuhang may outstanding na kaso, at masusing pagsusuri ng 1,317 migrante at 167 kumpanya sa loob ng 23 probinsya sa buong bansa.
Ayon sa mga otoridad, ang operasyon ay isinagawa nang may high-impact strategy, sa tulong ng mga Squadre Mobili mula sa mga key cities tulad ng Rome, Milan, Turin, Bologna, Cagliari, at Reggio Calabria, kasama ang Reparti Prevenzione Crimine at mga Immigration Offices ng lokal na Questura.
Black Market ng Decreto Flussi
Lumabas sa imbestigasyon na ang mga organized criminal groups ay sinasamantala ang kahinaan ng maraming migrante na gustong makapasok o maregularisa sa Italya. Inaalok umano ang mga ito ng pekeng employment contracts o irregular residence permits kapalit ng malaking halaga, gamit ang loopholes sa “decreto flussi” ng gobyerno.
Natuklasan ng mga imbestigador na kada iligal na application na pinoproseso ay may bayad na hanggang 5,000 euro. Kadalasang naka-disguise ito bilang “professional assistance” pero sa totoo, isa itong underground market para sa mga migrante na desperadong magkaroon ng legal na status.
May mga kumpanyang kasabwat na umano, ayon sa pulisya, na nagbibigay ng fake documentation para mapadali ang mga fraudulent na proseso. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang lawak ng network ng mga intermediaries at kumpirmadong kasali sa modus.
Binigyang-diin ng mga otoridad ang kabigatan ng krimen: hindi lang ito tungkol sa dokumento, kundi tungkol sa pagsasamantala sa mga taong naghahangad ng maayos na buhay. Sa halip na tulungan, kinukuhanan pa sila ng pera kapalit ng pekeng pag-asa.
Ayon sa mga imbestigador, layunin ngayon ng operasyon na palawakin pa ang saklaw ng imbestigasyon, at tukuyin ang lahat ng sangkot—mula sa mga recruiters, fixers, hanggang sa mga kumpanyang kasali sa illegal scheme.
Ang insidenteng ito ay muling nagbukas ng diskusyon tungkol sa pangangailangan na paigtingin ang mga kontrol sa proseso ng hiringat palakasin ang proteksyon para sa mga migranteng sumusunod sa legal na paraan.
Sa panahon kung kailan maraming tao ang naghahanap ng bagong simula, mahalaga raw na tiyakin na hindi sila mabibiktima ng ganitong uri ng pananamantala.


