Ang pagbabalik sa trabaho at sa eskuwela ngayong Setyembre 2025 ay may kasabay na mabuting balita para sa maraming pamilya sa Italya. Salamat sa Legge di Bilancio 2025, ilang aprubadong pondo at bonus ang nakalaan sa mga pamilya, partikular ang mga may mababang kita.
Ngayong Setyembre 2025, may iba’t ibang pondo at suporta para sa mga pamilya sa Italya: mula sa sports at mental health, hanggang sa pagkain, childcare at appliances. Ang mga benepisyong ito ay bahagi ng mas malaking plano ng gobyerno na gawing mas magaan ang gastusin ng mga pamilyang may mababang kita at suportahan ang kalusugan at edukasyon ng mga bata.
Narito ang mga bonus:
- Fonde Dote per la Famiglia: Bonus Sports 2025
- Bonus Psicologo
- Carta Dedicata a Te
- Bonus Nuovi Nati
- Bonus Asilo Nido
- Bonus Elettrodomestici 2025
Fonde Dote per la Famiglia: Bonus Sports 2025
Para sa 2025, may iba’t ibang hakbang ang gobyerno ng Italya upang tulungan ang mga pamilya at pasiglahin ang sektor ng sports. Kabilang dito ang “Fondo Dote Famiglia” (o Bonus Sport 2025) para sa mga pamilya, at ang “Sport Bonus” na nakalaan para sa mga negosyo na nag-iinvest sa imprastraktura ng sports. Mayroon ding mga lokal na inisyatiba tulad ng mga Voucher Sportivi mula sa Comune di Roma, at posibilidad na makakuha ng tax deduction para sa mga gastusing pang-sports.
Ang Bonus Sports ay nakalaan para sa mga pamilya na may ISEE na hindi hihigit sa €15,000. Sakop nito ang mga gastusin sa registration o iscrizione para sa sports o recreational activities ng mga anak na edad mula 6 hanggang 14 anyos. Ang kursong ay dapat na dalawahang attendance kada linggo at tumatagal ng hindi bababa sa 6 na buwan.
- Halaga ng bonus: Hanggang €300 para sa bawat anak, Maaaring mag-aplay para sa dalawang anak lamang
- Direktang ibibigay ang bonus sa agency o sports association.
- Hindi maaaring matanggap kung tumatanggap na ng ibang bonus (non cumulabile)
- Ito ay may kabuuang pondo na €30 milyon.
Voucher Sportivi
Ang ilang Comune, tulad ng Roma Capitale, ay nagbibigay naman ng mga voucher para sa iscrizione ng mga anak sa sports sa mga kasaping pasilidad.
Tax Deduction
Maaaring mag-deduct sa buwis ng 19% ng mga gastusin para sa sports activities ng mga anak na may edad 5 hanggang 18 taon, na may maximum na limitasyon na €210 kada anak.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang official website ng Ministry of Dipartimento per lo Sport.
Bonus Psicologo 2025
Ang bonus Psicologo ay isang tulong pinansiyal hanggang € 1500,00 at ito ay ibinibigay para sa psychotherapy expenses.
Ang halaga ng bonus na matatanggap ay nakadepende sa ISEE ng aplikante. Gayunpaman, saklaw nito ang mga taong may ISEE hanggang €50,000 na nakakaranas ng depresyon, stress, anxiety, o iba pang uri ng psychological fragility.
Ang aplikasyon ay magsisimula sa Septembre 15 hanggang Novembre 14, 2025 sa pamamagitan ng website ng INPS, gamit ang SPID, CIE o CNS.
Mahalagang tandaan ang ilang pangunahing bagay sap ag-aaplay ng bonus psicologo. Isang aplikasyon lang bawat tao. Samakatwid, bawat benepisyaryo ay maaaring magsumite ng isang aplikasyon lamang. Hindi puwedeng magpadala ng higit sa isang request para sa parehong bonus.
Limitado ang pondo. Ang mga aplikasyon ay tatanggapin ayon sa pagkakasunod ng submission nito, hanggang sa maubos ang pondo. Kaya’t mainam na mag-apply agad pagdating ng tamang panahon.
Ang INPS ay gagawa ng mga listahan batay sa rehiyon, kung saan uunahin ang mga pamilyang may mas mababang ISEE. Ibig sabihin, bukod sa bilis ng pagsusumite, malaking salik din ang antas ng kita sa pagpili ng mga makikinabang.
Carta “Dedicata a Te” 2025
Ang Carta Dedicata a Te ay isang social card na inilunsad ng gobyerno ng Italya upang suportahan ang mga pamilyang may mababang kita para sa pagbili ng mga pangunahing bilihin.
Para sa 2025, muling pinondohan ng gobyerno ang programa ng €500 milyon. Ang decreto attuativo o implementing decree ay inilathala noong 12 Agosto 2025 sa Gazzetta Ufficiale.
Sa mga susunod na linggo, ang INPS ay magbibigay ng listahan ng mga tatanggap o mga benepisyaryo sa mga Comune, at pagkatapos ay ipapamahagi ang mga card sa pamamagitan ng poste italiane (mga tanggapan ng post office).
Ito ay nagkakahalaga ng €500 para sa mga pangunahing bilihin (grocery, pang-araw-araw na pagkain). Saklaw nito ang mga pamilya na may ISEE hanggang €15,000.
Walang kailangang aplikasyon. Ang mga Comune ang mag-aabiso sa mga pamilyang benepisyaryo base sa datos ng INPS at batay sa pagkakasunod-sunod ng pangangailangan (pinaka-mababa ang ISEE, mas mataas ang priyoridad).
Bonus Nuovi Nati 2025
Ang Bonus Nuovi Nati 2025 ay isang tulong pinansyal mula sa gobyerno ng Italya para sa mga pamilya na nagkaroon ng bagong silang na anak o nag-ampon ng bata simula Enero 1, 2025.
Ito ay isang one–time contribution (isang beses na ayuda) na ibinibigay sa mga magulang ng bagong silang o bagong ampon at ito ay nagkakahalaga ng € 1,000 para sa mga pamilyang may ISEE hanggang €40,000.
Sakop lamang ang mga sanggol na ipinanganak o inampon mula Enero 1, 2025.
Narito ang good news para sa mga pamilya sa Italya tungkol sa Bonus Nuovi Nati 2025.
Kinumpirma ng INPS sa Messaggio n. 2345 noong Hulyo 24, 2025, ang pagpapalawig sa deadline ng aplikasyon. Ito ay pinalawig mula 60 days sa 120 days matapos ang kapanganakan, pag-aampon, o pag-foster ng bata.
Para sa mga pamilya na may mga kaganapan (panganak, adoption, fostering) sa pagitan ng Enero 1 at Mayo 24, 2025, ngunit hindi umabot sa naunang 60 araw na deadline. Maaari pang mag-apply hanggang Setyembre 22, 2025.
Ang aplikasyon ay dapat gawin online sa website ng INPS gamit ang SPID, CIE o CNS. Kailangang isumite ang ISEE 2025 para mapatunayan ang karapatan sa bonus.
Bonus Asilo Nido
Ang Bonus Asilo Nido ay tulong pinansyal na ibinibigay ng INPS para matulungan ang mga pamilya sa pagbabayad ng nursery school (asilo nido), o alternatibong pag-aalaga sa bahay, kung ang bata ay may sakit o kondisyon na hindi nagpapahintulot na makapasok sa asilo nido.
Ang halaga ng bonus ay depende sa ISEE at taon ng kapanganakan ng bata
- Para sa mga batang ipinanganak mula Enero 1, 2024 pataas
- €3,600 sa isang taon kung ang ISEE minorenni ay hanggang €40,000
- €1,500 sa isang taon kung lampas €40,000 ang ISEE o walang ISEE na isinumite
- Para sa mga batang ipinanganak bago Enero 1, 2024
- €3,000 sa isang taon taon kung ang ISEE ay hanggang €25,000
- €2,500 sa isang taon kung ang ISEE ay €25,001 – €40,000
- €1,500 sa isang taon kung ang ISEE ay lampas €40,000
Ang kontribusyon ay ibinibigay buwan-buwan at direktang ipinapadala sa pamilya matapos isumite ang resibo ng bayad sa asilo nido.
Para sa mga bata na hindi makapapasok sa nido dahil sa kalusugan, kailangang ipakita ang medical certificate para makatanggap ng tulong.
Ang aplikasyon ay ginagawa online sa website ng INPSgamit ang SPID, CIE o CNS.
Kailangang mag-upload ng:
- ISEE minorenni ng pamilya
- Mga invoice/resibo ng bayad sa asilo nido
- Medical certificates, kung kinakailangan
Bonus Elettrodomestici 2025
Ang Bonus Elettrodomestici 2025 ay isang bagong tulong mula sa gobyerno ng Italya na layong suportahan ang mga pamilyang may mababang kita sa pagbili ng mga bagong appliances na mas matipid sa enerhiya.
Ito ay isang contributo diretto o direktang tulong pinansyal na maaaring umabot hanggang €200 para sa pagbili ng piling appliances. Isang bahagi lamang ng halaga ang ibinibigya na tulong at hindi ang buong halaga ng appliances.
Ito ay nakalaan sa mga pamilya na may ISEE hanggang €25,000.
Para sa taong 2025, ito ay hindi pa operatibo. Kailangan munang tapusin ang ilang technicalities nito para sa decreto attuativi o implementing decree.
Ayon sa gobyerno, inaasahan ang pagpapatupad nito bago matapos ang taon 2025.


