in

Sama-samang Pagdarasal ng Rosaryo Para sa Kapayapaan, Inanunsyo ni Pope Leone XIV

Sa pagtatapos ng General Audience ngayong araw ng Miyerkules, nanawagan si Pope Leone XIV ng pandaigdigang pagdarasal ng Santo Rosaryo na gaganapin sa St. Peter’s Square sa October 11, kasabay ng Jubilee of Marian Spirituality.

Ayon sa Santo Papa, ang buwan ng Oktubre ay tradisyonal na inilalaan para sa Rosaryo, kaya’t hinihikayat niya ang lahat ng Kristiyano na manalangin araw-araw, “personal, sa pamilya, at sa komunidad.” Ang pananalangin ng Rosaryo, aniya, ay isang “simple ngunit malalim na gawain ng pananampalataya,” na nagtitipon sa buong Simbahan sa ilalim ng gabay ng Mahal na Birheng Maria.

Inaasahang dadagsain ng libu-libong mga peregrino at mananampalataya ang Global Rosary for Peace sa October 11, 6:00 pm sa St. Peter’s Square. Higit pa sa isang pagtitipon, ito ay magiging isang sama-samang panalangin ng Simbahan, na ihahain sa Diyos ang mga pagdurusa ng sangkatauhan at muling mananawagan ng kapayapaan sa pamamagitan ng Birheng Maria.

Ang orihinal na imahe ng Mahal na Birhen ng Fatima ay dadalhin sa St. Peter’s Square, para sa pagdarasal at sa pagdiriwang ng Jubilee of Marian Spirituality.

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Fluvial Procession ng Our Lady of Peñafrancia, Idinaos sa Tiber River sa Roma

Huling Click Day ng Flussi 2025 para sa Pagpasok ng mga Seasonal Workers sa Italya