Hindi na kailangang maghintay ng click day ang mga employers sa Italya na nangangailangan ng mga assistente familiare o home caregiver para sa mga over-80s na matatanda o may kapansanan ayon sa Legge 104.
Hanggang December 31, 2025 ay maaaring gamitin ang mga natitirang bilang o quota sa ilalim ng 10,000 fuori quota na itinalaga sa programmazione triennale 2023–2025.
Gayunpaman, ang mga ganitong uri ng aplikasyon ay kailangang dumaan sa ilang awtorisadong asosasyon. Ang mga tinatawag na associazione di categoria ay may pahintulot na pangasiwaan ang buong proseso — mula sa paghahanda ng mga dokumento hanggang sa pagpapadala ng aplikasyon.
Bukod dito, simula January 1, 2026, ay magpapatuloy ang parehong sistema sa bagong three-year program 2026–2028. Pinahihintulutan din nito ang hiring ng mga foreign nationals bilang assistente familiare o home caregiver ng mga over-80s at may disability, na may parehong itinalagang quota na 10,000 fuori quota kada taon.
Sino ang maaaring mag-submit ng aplikasyon?
Ang mga employer o datore di lavoro na maaaring
- Ang mismong taong aalagaan (matandang higit 80 anyos o may kapansanan);
- Ang asawa o kaanak hanggang second degree
Kung malubha ang kapansanan (ayon sa Art. 3, comma 3, Legge 104/1992), ang employer ay maaaring ang kamag-anak hanggang third degree, kahit hindi nakatira sa iisang bahay.
Hindi naman pinapayagan ang pag-hire sa asawa o kamag-anak hanggang third degree ng employer.
Tandaan na ang mga nabanggit ay maaaring mag-hire ng assistente familiare o home caregiver kahit wala sa karaniwang bilang ng quota na itinakda ng Decreto Flussi.
Paano magsa-submit ng aplikasyon?
Ang aplikasyon para sa nulla osta al lavoro para sa tempo determinato o indeterminato ay dapat gawin sa Sportello Unico per l’Immigrazione sa pamamagitan ng:
- Agenzie per il Lavoro (APL), o
- Mga asosasyon ng mga employer na lumagda sa Contratto Collettivo Nazionale del Lavoro Domestico (tulad ng
Ang aplikasyon ay dadaan sa pagsusuri ng Ispettorato del Lavoro, Prefettura, at Questura bago ilabas ang nulla osta para sa pagpasok ng manggagawa.
Mga limitasyon para sa mga manggagawang “fuori quota”
Sa unang 12 buwan ng trabaho:
Maaaring magtrabaho lamang ang foreign worker sa posisyong tinukoy sa kontrata.
Kung kailangang palitan ang employer, kailangang humingi ng awtorisasyon sa Ispettorato Territoriale del Lavoro (ITL).
Pagkatapos ng 12 buwan:
Kung nais tumanggap ng bagong trabaho (pansamantala o permanente), kailangang humingi muli ng bagong nulla osta at sundin ang mga limitasyong nakasaad sa Decreto Flussi.
Ang prosesong ito ay naglalayong mapadali ang legal na pag-hire ng mga caregiver para sa mga matatanda at may kapansanan, habang tinitiyak ang proteksyon ng parehong employer at worker. (Sources: Assindatcolf, ACLI)
Gayunpaman, para maiwasan ang scam at mga fake news ipinapayong magpatuloy sa pagsubaybay sa mga official websites ng gobyerno ng Italya at mapagkakatiwalaang sources.
Basahin din:


