Ang Ministro ng Labour: “Hindi isang simpleng bagay ang pagpapapasok ng bansa, nangangailangan din ito ng tamang pagkilos. Gamitin ang kakaunting fund para sa integrasyon”.
Rome – Hunyo 27, 2012 – Kahit na “hindi natin basta basta pwedeng buksan ang ating mga pinto, dahil ito ay maaaring lumikha ng mga problema, kailangan pa rin nating magkaroon ng tamang aksyon, at ang i-kunsidera na ang imigration sa katagalan ng panahon, ay maaaring magkaroon ng positibong epekto”.
Ito ang sinabi ngayon ng Ministro ng Welfare, Elsa Fornero, sa isang video-message sa European University Institute sa Fiesole sa pagbubukas ng "Migration Policy Center”. “Dapat – paliwanag ng Ministro – ay isaalang-alang ang lahat ng mga positibong epekto ng migrasyon, na sila ay maaaring makatulong sa paglutas ng problema”.
“Ang mga manggagawang imigrante – bigay diin ni Fornero – ay pawang mga kabataan, nagta-trabaho, nagbabayad ng kontribusyon. Ngunit mayroon ding iba pang mga motibo kung bakit ang mga migrante ay maaaring makatulong sa welfare: mas mayroon silang anak at ito ay maaring malabanan ang patuloy na pagtanda ng populasyon at maging ang pagkakaiba at di pagkakatulad ay isang yaman ng lipunan. Ang mga anak ng imigrante, ay mayroong positibong epekto sa mga paaralan. Samakatwid ay isang kontribusyon ng mga migrante sa ekonomiya at welfare.
Para sa kadahilanang ito, dagdag pa nito, “kahit pa tayo ay nasa panahon ng recession at walang sapat na resources, ay kailangang gamitin kung ano man ang mayroon tayo upang patatagin ang integrasyon”. Sa ganitong pananaw, sa pagtatapos ng pagtitipon ang paglulunsad sa mga lumahok ng Migration Policy center, “ito ay isang mahalagang sentro dahil kailangan ng bansa ng mga scientific research, datas at analisis upang patakbuhin ng maaayos ang politika sa ating bansa”.