in

Huling Click Day ng Flussi 2025 para sa Pagpasok ng mga Seasonal Workers sa Italya

Nakatakda sa October 1, 2025 mula alas-9 ng umaga ang huling “click day” para sa Flussi 2025. Sa araw na ito, ang mga employer sa sektor ng tourism & hotel sa Italya ay maaaring magsumite ng aplikasyon upang makapasok at makapagtrabaho sa bansa ang mga non-EU seasonal workers o mangagaling sa labas ng European Union.

Ito ang ikalawang pagkakataon ngayong taon matapos ang unang click day noong Pebrero, kung saan inilaan ang humigit-kumulang 70% ng kabuuang quota para sa mga seasonal workers. Ang natitirang 30% ng slots ay ilalaan naman para sa mga aplikasyon na isusumite simula October 1, upang matugunan ang pangangailangan ng mga kumpanya para sa winter season.

Proseso ng Pagsusumite ng Aplikasyon para sa mga Seasonal Workers

Noong nakaraang July, ay ginawa na ang precompilation ng mga aplikasyon ng mga employer, at pagkatapos mula September 15 hanggang 21 ay binigyang pagkakataong i-finalized ang mga ito sa pamamagitan ng Portale Servizi del Ministero dell’Interno, partikular sa seksyong Sportello Unico Immigrazione.

Simula October 1, posible na ang i-submit ang mga aplikasyon sa pamamagitan ng pag-access sa reserved area ng parehong portal.

Ang programang ito ay bahagi ng taunang regulasyon ng Italya upang masiguro ang sapat na bilang ng mga manggagawa para sa mga sektor na nangangailangan ng mataas na workforce, partikular sa turismo at hotel industry na umaasa sa mga seasonal workers upang matugunan ang demand sa panahon ng tag-init at taglamig.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sama-samang Pagdarasal ng Rosaryo Para sa Kapayapaan, Inanunsyo ni Pope Leone XIV

Team Roma, Tagumpay sa InterEurope Season 4 Volleyball Tournament sa Geneva