Simula July 1, 2025, nagsimula na ang pre-filling ng mga aplikasyon para sa seasonal job o lavoro stagionale sa ilalim ng Decreto Flussi 2025. Partikular na ito ay nakalaan para sa tourism and hotel sector.
Ang pre-filling ay magtatagal hanggang July 31, 2025. Sa panahong ito, maaaring sagutan at i-save ng employer ang aplikasyon, ngunit ang pagpapadala o submission ng mga ito ay maaari lamang gawin sa Octobre 1, 2025, sa araw ng tinatawag na Click Day, simula alas-9:00 ng umaga.
Paraan ng pag-access at submission
Ang pre-filling ng application form ay dapat gawin ng employer sa opisyal na website ng Servizi ALI – Sezione Sportello Umico Immigrazione. Ang access sa website ay mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi (8am–8pm).
Upang makapag-login, kinakailangan ang paggamit ng SPID (Sistema Pubblico di Identità Digitale) o Digital Public Identity ng employer.
Piliin ang seksyon na “Precompilazione CSTAG DF25 TURISTICO/ALBERGHIERO at pagkatapos ay i-click ang “Compila domanda.”
Quota sa ilalim ng Decreto Flussi 2025
Ang Decreto Flussi ay ang batas na inilalabas ng Goberyno ng Italya na nagtatakda ng bilang o quota ng mga foreign workers na pinahihintulutang makapasok at makapagtrabaho sa Italya.
Ang Decreto Flussi 2025 ay may itinalagang quota o bilang na 151,000 manggagawa, batay sa DPCM (Decree of the President of the Council of Ministers) ng January o 19, 2024 at sa Joint Circular ng Ministry of the Interior at Ministry of Labor.
Layunin nito ang kontrolin at isaayos ang legal na pagpasok ng mga non-EU foreign workers sa bansa at punan ang kakulangan ng manggagawa sa ilang sektor tulad ng Agrikultura, Turismo at hotel (hospitality), Konstruksyon, Transportasyon at Domestic work.
Tandaan na ang sinumang gustong pumasok sa Italya sa ilalim ng Decreto Flussi ay kailangang may employer sa Italya na mag-aapply alinsunod sa mga panuntunan na itinakda ng batas.
Basahin din:
- Mga dapat malaman ukol sa Decreto Flussi 2023-2025
- Decreto Flussi 2025: Narito ang Bawat Hakang ng Precompilation