in

Lega, Naghain ng Panukalang Batas para sa Mas Mahigpit na Mga Patakaran sa Italian Citizenship

Ako ay Pilipino
Italian citizenship by residency, sino at paano mag-aplay sa taong 2021

Naghain ang partido ng Lega, isang right-wing populist at nationalist na partido sa Italya, ng isang bagong panukalang batas na layuning higpitan ang mga regulasyon sa pagkakaroon ng cittadinanza italiana at sa ricongiungimento familiare.

Mas Mahigpit na Requirements sa Italian Citizenship

Ayon kay Morrone, ang layunin ng panukala ay masiguro na “ang pagiging Italyano ay hindi regalo kundi karapat-dapat paghirapan.” Ilan sa mahahalagang pagbabago ay:

  • Pagpapahaba ng required years of legal residency o residenza legale sa Italya bago makapaghain ng aplikasyon sa pagsapit ng ika-18 taong gulang;
  • Pagkakaroon ng integration test para sa mga dayuhang ipinanganak sa Italya na tumira sa bansa hanggang pagsapit ng 18 anyos. Kasama sa pagsusulit ang:
    • kaalaman sa batas at regulasyon ng Italya,
    • at pagsusulit sa wikang Italyano na level B1.

Para sa mga menor de edad na aplikante:

  • Kailangan ang walang criminal case na may kinalaman sa delitti non colposi (hindi sinasadyang krimen),
  • Walang pending criminal case,
  • hindi pa kailanman gumamit ng patteggiamento (plea bargain),
  • at walang nagawang krimen sa nakalipas na tatlong taon na nagbigay-daan sa perdono giudiziale (judicial pardon).

Para naman sa mga nasa hustong gulang, pinalawig din ang kinakailangang panahon ng paninirahan, ipinatutupad ang integration test, at kinakailangang walang criminal record.

Mas Pinalawak na Mga Dahilan sa Pag-aalis ng Pagkamamamayan

Isa sa pinakamahigpit na bahagi ng panukala ay ang pagpapalawak ng mga kaso kung kailan maaaring bawiin ang Italian citizenship:

  • Mawawala ang Italian citizenship sa mga nahatulan nang may pinal na sentensiya na higit sa 5 taon na pagkakakulong.
  • Maaari ring bawiin kung ang sentensiya ay higit sa 3 taon, kung ito ay kaugnay ng karahasang may kinalaman sa gender (violenza di genere).
  • Binawasan din ang panahon mula 10 taon tungo sa 2 taon mula sa pinal na sentensiya para maisakatuparan ang revoca.

Paghihigpit sa Ricongiungimenti Familiari

Hangarin din ng Lega na baguhin ang ilang bahagi ng Testo Unico sull’Immigrazione. Kabilang dito ang:

  • Pagtaas ng minimum annual income na kailangan para sa ricongiungimento familiare ng tatlong beses mula sa kasalukuyang halaga.
  • Mas malawak na obligasyon ng pagkakaroon ng assicurazione sanitaria (health insurance) para sa bawat miyembrong papupuntahin sa Italya.
  • Pagbabawal na makapag-aplay ang mga itinuturing na hindi nag-ambag sa komunidad at maaaring maging dagdag na pabigat lamang sa sistemang panlipunan.

Ipatutupad rin ang tinawag nilang “norme anti-maranza”, na tumutukoy sa mga kabataang imigrante ng ikalawang henerasyon na itinuturing ng Lega na “sumusuway sa mga batas at kaayusan.”

Kasama sa ‘Pacchetto Sicurezza 2’

Ayon kay Sardone, ang panukalang batas na ito ay bahagi ng mas malawak na “Pacchetto Sicurezza 2” ng Lega, na layong magpatupad ng karagdagang regulasyon sa mga permesso di soggiorno at Italian Citizenship bago matapos ang kasalukuyang lehislatura.

Aniya, ang Italya ang “may pinakamataas na bilang sa Europa sa pagbibigay ng mga cittadinanze,” at panahon na para higpitan ito.

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 1.5]

15 Taon ng Pagkakaisa: Filipino Association of Catania Nagtanghal ng One-Day Basketball Tournament

Noli Me Tangere at Tropical Gothic sa Wikang Italyano, Available na!