in

Summer na! PAALALA para sa mga Pilipino sa Italya Bago Magbakasyon

Sa panahon ng tag-init at bakasyon, maraming Pilipino sa Italya ang sabik na bumisita sa Pilipinas o maglakbay sa ibang bahagi ng Europa. Ngunit bago mag-empake at lumipad, mahalagang unahin ang pagsasaayos ng mga dokumento. Ito ay hindi lamang para sa maayos na biyahe kundi upang maiwasan ang mga problemang legal sa pagbalik.

1. Permesso di Soggiorno

Ang permesso di soggiorno (permit to stay) ay pangunahing dokumento para sa mga dayuhan sa Italya. Bago bumiyahe siguraduhin ang mga sumusunod:

Balido ang permesso di soggiorno 

Walang problema ang sinumang balido ang permit to stay. Dalhin lamang ang orihinal nito kasama ang pasaporte at maaaring malayang mag-biyahe mula Italya at sariling bansa, pati na rin sa ibang bansa sa Europa kung saan mayroong free circulation ang Schengen, maliban lamang kung mananatili dito ng higit sa tatlong buwan.

Bahagi ng Schengen ang sumusunod na mga bansa sa Europa:

Austria, Belgium, Croatia, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Italy, Latvia, Lithuania, Luxembourg, Malta, Netherlands, Poland, Portugal, Slovakia, Slovenia, Spain, Sweden, Bulgaria (joined fully in March 2024) at Romania (joined fully in March 2024)
Non-EU Members pero bahagi ng Schengen ng mga sumusnod: Iceland, Liechtenstein, Norway at Switzerland. 

Ngunit isang paalala sa mga nagnanais bisitahin ang mga bansang hindi sakop ng Schengen tulad ng Great Britain, ay kakailanganin ng entry visa o transit visa.

TANDAAN: Ang bagong regulasyon sa Europa ay nagtatanggal lamang ng obligasyon sa pagpapakita ng personal document bago sumakay ng eroplano o sa tinatawag na boarding o imbarco sa wikang italyano. 

Nasa renewal ang permesso di soggiorno

Samantala, pinahihintulutan naman ang mga nasa renewal ang permit to stay na magbiyahe mula Italya at Pilipinas lamang dahil hindi maaaring mag-stop over sa anumang bansa ng Schengen, maliban na lamang kung mayroong entry/transit visa.

Gayunpaman, sanhi ng paghihigpit sa dalawang bansa, Pilipinas at Italya, ay ipinapayo ang sumusunod:

  1. Siguraduhing kumpleto ang mga hinihinging dokumentasyon para sa renewal at bilang pagsisigurado, dalhin at ingatan ang mga ito;
  2. Kung hindi rin lamang emergency ang dahilan ay ipagpaliban muna ang pag-uwi sa Pilipinas. Hintayin na lamang ang paglabas ng bagong permit to stay;
  3. Huwag magtagal sa labas ng bansang Italya at rispetuhin ang panahong itinakda ng batas;
  4. Kung emergency ang dahilan ng pag-uwi sa Pilipinas ay magdala ng anumang patunay nito halimbawa death certificate kung may pumanaw sa pamilya at medica certificate naman sa pagkaksakit ng magulang, anak o asawa.
  5. Huwag kalimutang dalhin ang resibo o ‘cedolino’ na kailangang sa Immigration o frontier police  kasama ang pasaporte at ilang hihinging dokumento.

Naghihintay ng first issuance ng permesso di soggiorno

Sa sinumang naghihintay ng first issuance ng permit to stay para sa trabaho o para sa pamilya ay maaari ring mag-biyahe mula sa Italya patungong Pilipinas, dala ang resibo o ‘cedolino’, pasaporte at entry visa na ginamit sa pagpasok sa Italya sa kundisyong ang visa ay isang “Schengen uniforme” at ito ay balido pa ngunit hindi kung ito ay paso na o hindi na balido. 

Naghihintay ng resulta ng Regularization

Ang mga Pilipino na naghihintay ng resulta ng Regularization ay hindi maaaring lumabas ng bansang Italya. Ang resibo ng aplikasyon ng Regularization ay hindi nagpapahintulot na magpunta sa ibang bansa. Kung sakaling lalabas ng bansa, kahit pa ang pagbabakasyon sa Pilipinas, ay hindi maaaring makabalik sa Italya kung ang hawak lamang ay ang resibo ng aplikasyon ng Regularization. Kakailanganin ang partikular na re-entry visa na ibinibigay lamang sa iilang kaso lamang.

Kapag Undocumented o May Pending Application

Kung undocumented o may pending asylum/humanitarian statushuwag munang magbyahe palabas ng Italya. Maaaring hindi ka makapasok muli at maapektuhan ang legal na proseso.

2. Pasaporte: May Bisa ng Hindi Bababa sa 6 na Buwan

Ang Philippine passport ay dapat may minimum na 6 na buwang bisa simula sa araw ng iyong pag-alis.

Tips: Mga Dapat Dalhin sa Biyahe

  • Original na permesso di soggiorno o ricevuta kung na sa renewal
  • Valid Philippine passport
  • Return ticket (lalo kung uuwi sa Pilipinas)
  • Travel insurance
  • Emergency contact numbers

Tandaan na ang masayang bakasyon ay nagsisimula sa maayos na dokumento. Iwasan ang aberya sa airport o sa immigration sa pamamagitan ng maagang paghahanda. Sa panahon ng bakasyon, ang pagiging responsable at handa ay susi upang ang bawat paglalakbay ay maging ligtas, legal, at walang stress.

Basahin din:

Europe Vacation ngayong Summer? Huwag Kalimutan ang Tessera Europea di Assicurazione Malattia

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

UTOPIA ni Conrad Rusell, Abangan! Hugot Meets Healing

Alam mo bang ang Halaga ng iyong Sahod ay nakabatay sa iyong Antas sa Lavoro Domestico ayon sa CCNL? Ano ito?