in

Missile Strike! Iran Gumanti sa US!

Delikado at patuloy na lumalala ang tensyon sa Gitnang Silangan matapos ang malawakang pag-atake ng puwersa ng Estados Unidos, kasama ang Israel, sa mga pangunahing nuclear facilities ng Iran sa Fordow, Natanz, at Isfahan noong Hunyo 22.

Kinondena ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi ang naturang pag-atake, na tinawag niyang isang reckless violation ng Charter ng United Nations at ng pandaigdigang batas. Aniya, “Nagre-reserba ang Iran ng lahat ng opsyon upang ipagtanggol ang sarili laban sa ganitong uri ng agresyon.”

Ngayong araw, June 23, bilang tugon, inilunsad ng Iran ang isang ballistic missile strike laban sa isang US base militar sa Qatar. Ayon sa mga ulat, bagama’t na-intercept ng depensa ng US ang karamihan sa mga misil, itinuturing ito ng mga analyst bilang simula ng mas seryosong eskalasyon.

Nagbabala rin ang Tehran ng malawakang paghihiganti, kabilang ang posibilidad ng pansamantalang pagsasara ng Strait of Hormuz — isang mahalagang daanan ng langis kung saan dumaraan ang halos 20% ng world supply. Posible itong magdulot ng krisis sa enerhiya sa buong mundo. Inamin din ng Iran na pinag-aaralan na nito ang paggamit ng cyber warfare at iba pang asymmetric responses laban sa Amerika at mga kaalyado nito.

Samantala, mabilis ang naging tugon ng pandaigdigang komunidad. Nanawagan ang mga kasapi ng United Nations at European Union sa parehong panig na agarang ihinto ang mga karahasan at magbalik sa diplomatikong negosasyon.

Pinangunahan ng Italya, sa pamamagitan ni Foreign Minister Antonio Tajani, ang panukalang gamitin ang Roma bilang neutral na lugar para sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan. Ayon kay Tajani, “Ang digmaan ay hindi kailanman solusyon. Ang Italya ay para sa kapayapaan, hindi sa kaguluhan.

Patuloy rin ang panawagan ng Simbahang Katolika at iba’t ibang relihiyosong grupo na isaisantabi ang karahasan at pairalin ang diyalogo. Sa kanyang Angelus kahapon, nanawagan si Papa Leo XIV ng panalangin para sa mga biktima at kapayapaan sa Gitnang Silangan “Ang digmaan ay laging pagkatalo ng sangkatauhan. Manalangin tayo upang manalo ang kapayapaan.

Sa kabila nito, nagpahayag ang Iran na hindi ito muling uupo sa anumang negosasyon habang nagpapatuloy ang agresyon ng Estados Unidos. Sa kasalukuyan, nananatiling mataas ang antas ng alerto sa buong rehiyon.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Flag Raising Ceremony, sa ika-127 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas

IMS sa Roma, Tagumpay ng Higit 50 Mag-aaral sa Moving Up at Graduation Ceremonies