in

Ora Solare 2025 sa Italya: Kailan, Bakit, at Ano ang Dapat Malaman

Sa Italya, ang pagbabalik mula ora legale (daylight saving time) patungong ora solare (standard time o winter time) ay magaganap sa madaling araw ng Linggo, Octobre 26.

Eksaktong alas-3:00 ng madaling-araw, ang mga orasan ay ibabalik ng isang oras — kaya magiging alas-2:00 na lang.

Ibig sabihin, makakatulog tayo ng dagdag na isang oras sa Sabado ng gabi, Oct 25. Ang ora solare ay mananatili hanggang sa susunod na pagbabago ng oras sa Marso 2026.

Sa loob ng European Union ay may patuloy na talakayan kung dapat nang itigil ang dalawang beses na pagbabago ng oras kada taon. May mga panukalang panatilihin na lang ang isang oras buong taon — alinman sa legale o solare. Ngunit sa kasalukuyan, mananatili pa rin ang sistema ng dalawang pagbabago sa Italya.

Bakit Ipinapatupad ang Ora Solare

Ang pagbabago ng oras ay ginagawa sa Europea na may dalawang layunin:

  1. Masulit ang liwanag ng araw sa panahon ng summer sa pamamagitan ng ora legale.
  2. Makatipid sa kuryente sa pamamagitan ng paggamit ng natural na liwanag.

Sa winter, bumabalik ang ora solare upang mas magliwanag ang mga umaga, dahil mas maaga nang sumisikat ang araw. Alinsunod sa batas ng European Union, ang pagbabago ay nangyayari tuwing huling Linggo ng Oktubre.

Epekto sa Kalusugan at Enerhiya

  • Kalusugan: Ang pagbabago ng oras—kahit isang oras lang—ay maaaring makaapekto sa ating body clock o ritmo ng tulog at paggising. Maaaring makaramdam ng antok, pagod, o hirap sa konsentrasyon sa unang mga araw pagkatapos ng pagbabago.
  • Enerhiya: Isa sa mga dahilan ng sistema ng ora legale/solare ay upang makatipid sa konsumo ng kuryente. Gayunman, dahil sa modernong teknolohiya at LED lighting, mas maliit na ngayon ang epekto sa enerhiya kaysa dati.
  • Gawain: Dahil mas maagang dumidilim, maaaring maapektuhan ang mga gawain at madalas maramdaman ng mga tao na “mas maiksi ang araw.”

Mga Dapat Gawin

  • Bago matulog sa gabi ng Oktubre 25: ibalik ang mga orasan ng isang oras (halimbawa, mula 03:00 → 02:00).
  • Awtomatikong nag-a-update ang mga cellphone, computer, at smart device, ngunit kailangan pa ring manu-manong ayusin ang mga analog na orasan, pati ang mga appliances.
  • Panatilihin ang maayos na tulog: huwag biglaang baguhin ang oras ng pagtulog; dahan-dahan lang sa pag-adjust.
  • Planuhin ang mga Gawain: Mas maagang dumidilim, kaya planuhin ang mga biyahe at gawain nang naaayon.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Decreto Flussi 2026: Gabay sa Pre-filling ng mga Aplikasyon Simula Oktubre 23

Pitong Pinoy Artists, Kinatawan ng Pilipinas sa Florence Biennale 2025