in

September, isang Back to Reality scenario sa Italya! 

Tapos na ang bakasyon! Back to reality, ika nga! Nagsimula na ang ‘gran rientro’ sa Italya matapos ang isang buwang pahinga o ‘ferie’ sa buwan ng Agosto. 

Ayon sa pagtatantya ng mga travel agency, tinatayang 300,000 hanggang 400,000 katao ang nagbalik sa Roma, ang kapital ng Italya nitong huling weekend ng Agosto. Halos lahat ng mga nagbakasyon noong Agosto ay bumalik na, habang 5% na lamang ng mga residente at Romansang nagpasyang ipagpaliban ang kanilang bakasyon sa Setyembre.

Ferie di Agosto, lifestyle na rin para sa mga Pinoys sa Italya!

Sa Italya, ang buwan ng Agosto ay idinadaos hindi lamang ng mga Italians, kundi pati na rin ng mga Pilipino. Isang lifestyle na rin para sa mga kababayan natin ang huminto sa trabaho at magpahinga – maaaring sa dagat, sa bundok o ang mag-travel sa Europa. Ito ay mapapatunayan sa pamamagitan ng pagbaha ng mga posts sa social media ukol sa pagtuklas sa ganda ng kalikasan at lalim ng kasaysayan ng Italya. Ang trend na ito, bukod sa paraan ng distress at unwind ng mga hardworking Pinoys, ito ay nagpapalalim din sa kanilang kaalaman at karanasan. “Hindi puro trabaho’ ika nga! At naghahatid pa ng higit na lakas pisikal, mental at sikolohikal sa muling pagbabalik trabaho. 

Mabibigat na Trapiko sa mga Daan

Marami ang gumamit ng tinatawag na “partenze intelligenti” o maagang alis upang makaiwas sa bigat ng trapiko, ngunit marami rin ang naipit sa mahabang pila ng sasakyan. Mabagal ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Roma–Napoli, partikular mula Frosinone, gayundin sa Roma–L’Aquila na karaniwang nagkakaroon ng pila sa mga toll gate.

Batay sa datos ng Anas, mula huling linggo ng Hulyo hanggang huling linggo ng Agosto, tinatayang 5 milyon na sasakyan ang dumaan sa Grande Raccordo Anulare at 4.5 milyon naman sa Roma–Fiumicino (A91). Ang pinakamataas na tala sa A91 ay nasa 220,436 sasakyan, samantalang sa SS148 “Pontina” ay naitala ang 186,605 sa Roma, 112,209 sa Ardea, 61,404 sa Latina, at 41,507 sa Sabaudia.

Pagbubukas ng mga Shops, Bumaba ang Konsumo

Kasabay ng pagbabalik ng mga residente, muling nagbubukas ang lahat ng mga shops. Ngunit ayon kay Valter Giammaria, pangulo ng Confesercenti, nananatiling may agam-agam ang mga negosyante dahil sa pagbagsak ng konsumo ng mga pamilya.

Sa katunayan, unang buwan ng taon, bumaba ang konsumo ng 10–15%, habang ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay tumaas ng 3.2–3.5%. Dagdag pa rito ang pasanin ng mataas na singil sa kuryente at iba pang bilihin, bagay na nagpapabigat sa sitwasyon ng maraming pamliya. 

Gayunman, inaasahang makakatulong sa ekonomiya ng lungsod ang pagdagsa ng mga turista kaugnay ng Giubileo.

Isang Stressful na Pagbabalik?

Sa ganitong sitwasyon—taas-presyo, mabibigat na gastusin at trapiko pati ang papalapit pa na back-to-school, ang pagbabalik ba mula sa bakasyon ay magiging stressful para sa iyo? 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Baby Bonus, more time to apply: INPS extends the deadline

Narito ang mga Bonus para sa mga Pamilya sa Italya ngayong September