Ang Pagbabalik ng Balik sa BASIK!

Inaanyayahan ng Balik sa Basik o BSB ang partisipasyon ng mga Euro-Pinoy sa Italya at ibang bansa sa Europa, edad 14 – 35, mga kalalakihan  at kababaihan, upang personal nilang maranasan at mapalalim pa ang kanilang kaalaman sa  kagandahan  at kaibahan ng ating sining at kultura. Ito ay upang iukit sa kanilang isipan ang ipagmalaki at yakapin ang yaman ng ating pinagmulan. Ang gaganaping BSB ngayong 2023 ay tatampukan ng mga tanyag sa industriya ng fashion tulad ni fashion designer Renee Salud, Direk Cata Figueroa at mga panauhing modelo na magmumula pa sa Pilipinas, kasama ng mga mapipiling kalahok na sampung pares ng kababaihan at kalalakihan na mula sa Italya at ibang bansa ng Europa. Ang BSB ay gaganapin sa mga sumusunod na lungsod, … Continue reading Ang Pagbabalik ng Balik sa BASIK! More