in

DFA Secretary Enrique Manalo, nasa Italya para sa G7 Ministerial Meeting

Dumating sa Italya si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kamakailan bilang tugon sa paanyaya ni Italian Foreign Minister Antonio Tajani na maging bahagi ng G7 Ministerial Meeting. Ito ay kasalukuyang ginaganap sa Fiuggi-Anagni.

Aniya, ito ang unang pagkakataong maimbitahan ang Pilipinas ukol sa usaping Indo-Pacific connections, partikular na ang pagtalakay sa South China Sea sa G7. Bagaman ang imbitasyon ay para sa isang side-event ng G7, inaasahang magiging ‘historical’ ang partesipasyong ito ng Pilipinas, kasama ang mga bansang Indonesia, India, at Korea.

Dagdag pa ni Secretary sa panayam ng Ako ay Pilipino, babanggitin niya sa meeting ang kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas at ang posisyon na Pilipinas sa pagsunod sa international law at UNCLOS, kaugnay sa isyu sa South China Sea. 

Agenda ng Ministerial Meeting sa Fiuggi ang tutukan ang mga pangunahing isyung nasa sentro ng international debate kabilang dito ang stability sa Indo-Pacific region, bilang prayoridad para sa global trade at samakatwid, kasama dito ang mainit na tema ng South China Sea Disputes. Tatalakayin din ang sitwasyon sa Middle East, matapos ang brutal na ateke ng Hamas laban sa Israel. Haharapin din ang humanitarian crisis sa Gaza, sitwasyonsa Lebanon at mga kaganapan sa Red Sea. Bukod sa mga nabanggit, pag-uusapan din ang humahabang digmaan sa Ukraine. 

Ilang araw bago ang G7 Meeting, naging main speaker si Secretary Manalo sa ginanap na Round Table Discussion sa Sapienza University sa Roma kung saan tinalakay ang epekto sa ekomoniya ng South China Sea Disputes.

Naging panauhing pandangal din si Secretary Manalo sa ginanap na launching ng ‘Tropical Lightscapes’ isang sculptural luminaires exhibit ni Mirei Monticelli, isang Milan-based Pinay na inorganisa ng Philippine Embassy sa Roma, sa pangunguna ni Ambassador to Italy, Neal Imperial. Sa nasabing okasyon ay dumalo din ang mga diplomats mula sa iba’t ibang Asian embassies sa Roma. 

Nagkaroon din ng pagkakataong makadaupang-palad ng Filipino Community sa Roma si Secretary Manalo.

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Multa sa mga Employer para sa Hindi Angkop o Napakamahal na Pabahay

Bonus Natale 2024: Narito ang sample Application Form