in

Gabrielle Sarmiento, Kauna-unahang Asian Artist na Nagwagi sa “MyMusic” category ng Myllennium Award sa Italya

Nagtala ng makasaysayang tagumpay si Filipino-Italian artist na si Gabrielle Sarmiento matapos siyang hirangin bilang kauna-unahang Asian artist na nagwagi sa “MyMusic” category ng prestihiyosong Myllennium Award 2025, na ginanap sa Villa Medici, Roma noong July 9, 2025.

Ang Myllennium Award ay itinuturing na pinakaunang multidisciplinary award sa Italya para sa mga kabataang under 30. Ito ay pino-promote ng Barletta Group at ng Myllennium Foundation, at sinuportahan ng iba’t ibang Italian ministries tulad ng Education, Culture, University and Research, at Youth and Sports.

Sa mahigit 5,500 aplikante, 350 projects na pinarangalan kung saan umabot sa €1.8M ang mga scholarships mula nang ito’y inilunsad, naging institusyon na ito sa buong bansa. 

Ngayong taon, isa si Gabrielle sa 23 awardees – isang 25-anyos na singer-songwriter, dugong Pilipino, ipinanganak at lumaki sa Roma, na nagbigay ng boses sa multicultural identity ng bagong henerasyon.

Ang winning entry ni Gabrielle na pinamagatang “Manila” ay isang summer anthem na pinaghalo ang tribal beats, electronic elements, at multilingual lyricssa Italian, English, at Filipino. Bukod sa ang titolo nito ay ang kapital ng Pilipinas, ang “Manila” ay may double meaning rin na hango sa Italian phrase na “mani là” o “hands there”.

Bilang bahagi ng kanyang premyo, siya ay nabigyan ng full production sa MOB Studios, music video, at feature sa RDS Next, isang sikat na radio network sa Italya. 

Ang kanyang debut single na “MANILA” ay ilalabas na bukas August 1, 2025 sa ilalim ng ADA/Warner Music Italy, para sa mas malawak na national at international audience.

Sino si Gabrielle Sarmiento?

Si Gabrielle, mas kilala sa tawag na Gabby ay hindi baguhan sa spotlight. Dating bahagi siya ng Filipino folk dance group, ang Pinoy Teens Salinlahi, aktibong nakilahok sa mga cultural events para isulong ang kulturang Pilipino sa Europa. Siya rin ang tumanggap ng OFW Award for Outstanding Youth Star Leader noong 2016 sa larangan ng musika.

Naging bahagi rin siya ng ilang TV shows sa Italya at Pilipinas tulad ng Il Collegio 2 (RAI 2) at Pinoy Big Brother: OTSO (ABS-CBN). Habang naninirahan sa Maynila, naging bahagi rin siya ng cast ng “Tabing Ilog: The Musical”, isang production ng ABS-CBN.

Sa kanyang musika, ipinapakita ni Gabrielle ang fusion ng Filipino heritage at European urban creativity — isang boses ng bagong henerasyon, para sa mga kabataang lumaki sa dalawang mundo, dala ang parehong pagmamahal sa sariling ugat at pangarap para sa global stage.

Bukas na po ang launching ng ‘Manila’ on audio platforms like Spotify, Apple Music etc; while ang official Music Video sa August 4 po. Inaanyayahan ko po ang lahat at pinasasalamatan in advance ang mga makikinig at susuporta! Here po ang link from warner music for pre-save, which will be the same link for listening once the single is out https://ada.lnk.to/MANILA

Hindi lamang ito personal na tagumpay ni Gabrielle kundi milestone para sa buong Filipino diaspora sa Italya, na patuloy na nag-aambag sa sining at kultura ng bansa. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Alam mo bang ang Halaga ng iyong Sahod ay nakabatay sa iyong Antas sa Lavoro Domestico ayon sa CCNL? Ano ito?

Lampedusa, ang pagtanggap ay nagiging pamanang pandaigdig