in

Hermes Dance Crew: Mula Italya Patungong Los Angeles para sa World of Dance Summit 2025!

Damang-dama ang saya at excitement ng 19 na miyembro ng Hermes Dance Crew habang sila’y naghahanda bago lumipad ngayong araw patungong Los Angeles, California para sa prestihiyosong World of Dance Summit 2025!

Isa itong malaking karangalan para sa Hermes—isang dance crew na binubuo ng mga kabataang Pilipino na ipinanganak at lumaki sa Italya—na mapabilang bilang opisyal na kalahok sa nasabing pandaigdigang pagtitipon ng pinakamagagaling na dance groups mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Mula sa mga lokal na entablado sa Roma at iba’t ibang bahagi ng Italya, hanggang sa international spotlight, patuloy na pinatutunayan ng Hermes Dance Crew na ang talentong Pilipino ay pang-world class. Sa World of Dance Summit, dala nila ang kanilang husay sa sayaw, pusong Pilipino, at pagmamalaki sa kanilang Italian upbringing.

Ang World of Dance Summit ay isang prestihiyosong global event na nagtitipon sa mga eksplosibong dance crews mula sa buong mundo. Sa loob ng ilang araw, magkakaroon ng Workshops, Collaborations, ShowcasesPerformance Night, kung saan itatanghal ang talento ng bawat grupo sa harap ng global audience.

Ang Hermes Dance Crew ay hindi lamang grupo ng mananayaw—sila ay isang pamilya na pinagbubuklod ng dedikasyon, disiplina, at pagmamahal sa sining ng pagsayaw sa kabila ng pagkakaroon ng iba’t iban propesyon. Sa ilalim ng masusing paggabay nina Allen Gunda at Jefferson Bayaborda Creus, patuloy nilang hinahasa ang kanilang talento para makipagsabayan sa mga pinakamahusay sa mundo.

Sa isang panayam, buong puso nilang sinabi: “Ito po ay hindi lamang para sa amin, kundi para sa bawat kabataang Pilipino na nangangarap. Dadalhin po namin ang aming dalawang mahal na bansa—ang Italya at ang Pilipinas—sa aming mga galaw at puso!”

Nagpahayag naman ng buong suporta ang Filipino community sa Italya sa iba’t ibang paraan – sa pamamagitan ng sponsorship at ng social media. Buong pagmamalaki nilang itinataguyod ang Hermes bilang boses ng kabataang Pilipino sa Europe.

Kinikilala ang Hermes bilang isa sa pinakamahusay at pinaka-aabangang dance groups sa Roma, hindi lamang ng mga Pilipino kundi pati na rin ng mga Italyano. Ilan sa kanilang mahalagang tagumpay ay:

  • Champion – Ready 2 Rumble (2024)
  • Champion – Gimme Some More (2025)
  • Crowd Favorite – World of Dance Italy (2023)
  • Champion OFW Got Talent Italy (2024)

Sa kanilang paglipad patungong Los Angeles, dala ng Hermes Dance Crew ang pangarap ng isang henerasyon ng mga kabataang Pilipino sa Italya—ang makilala, ang magpakitang-gilas, at higit sa lahat, ang tumindig na may dangal sa entablado ng buong mundo.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 4]

Jannik Sinner: Kauna-unahang Italian Wimbledon Champion!

Maxi-Operation ng Italian Police, Nabunyag ang Malawakang Scam sa Illegal Immigration