in

Milagros Nabur: Huwarang Lider na Itinalaga ng International Diplomats

Building Bridges, Breaking Barriers – Ito ang mahalagang papel ng isang Ambassador. Higit pa sa isang representasyon, isa ring pagsusumikap na maglatag ng tulay sa pagitan ng iba’t ibang kultura at pananaw.

At bilang hinirang na Ambassador ng organisasyong International Diplomats sa third conference sa Bangkok ngayong buwan ng October, si Milagros Nabur, ang Foundress/Directress ng International Migrants School (IMS) sa Rome, ay magkakaron ng mabigat na responsibilidad. Hindi lang ito simpleng pagdalo sa pulong—bagkus dala rin niya ang boses, interes, at imahe bilang Pilipino at pati ng mga Pilipino sa diaspora, sa harap ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga bansa sa conference. Dala niya ang kanyang karanasan at adbokasiya para sa mga migrante, na mahalagang boses sa international stage.

Sa conference na nabanggit ay hinihubog ang mga future global leaders sa pamamagitan ng mga Diplomatic Training Programmes o mga programang may matibay na pundasyon sa diplomasya, pamumuno, at estratehiya sa negosasyon at real-world Diplomatic Simulations kung saan nagbibigay ng aktibong pagsasanay sa pamumuno katulad ng United Nations at iba pang world at mga transformative experiences kung saan ang mga pagtitipon, cultural events ay hiiid lamang sosyal kundi pagkakataon upang palawakin ang personal na koneksyon.

Sa madaling salita, ang pagiging Ambassador sa isang international conference ay pagsasama ng karangalan at responsibilidad. Ang pagkakahirang kay Nabur ay simbolo ng karangalan ng Pilipino at nagbibigay-inspirasyon na kaya nating makibahagi at mag-ambag sa international conference.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Entry/Exit System (EES): Bagong Sistema ng EU para sa mga Bumibiyahe

Paz Family: Ang Mag-aamang Kampeon sa Windsurfing mula Batangas hanggang Italya