in

Philippine Fabrics at Italian Craftsmanship, Tampok sa Isang Fashion Collaboration sa Roma

Isang makasaysayang gabi ang idinaos ng Philippine Embassy sa Roma kung saan itinampok ang yaman ng kulturang Pilipino at ang creativity ng mga kabataang Italyano, ang Bianchi Contaminati Fashion Show. Ito ay resulta ng two-year collaboration ng Embassy of the Philippines in Italy at ng Maiani Accademia Moda (MAM), kung saan ipinakita ang 44 unique designs ng mga estudyante ng MAM gamit ang mga telang galing mismo sa Pilipinas.

Layunin ng kolaborasyong ito na ipakita sa international stage ang kahalagahan ng cultural exchange sa mundo ng moda, habang itinatampok ang ganda ng tela ng Pilipinas gaya ng piña, hablon, at abaca, na isinalin sa modernong disenyo ng Italian haute couture, na nagresulta ng mga kasuotang may kakaibang timpla ng tradisyon at kontemporaryong estetika — isang ode sa kultura, kasaysayan, at sining ng dalawang bansa.

Ang koleksyon ay gamit ang mala-organza na tela mula sa Pilipinas—piña, piña-jusi, jusi, abaca, hablon, at cotton abaca. Ang mga telang ito ay hindi lang maganda sa paningin, kundi sustainable at puno ng kultura. Ang Piña ay gawa mula sa fibers ng pinya, handwoven at kinikilala ng UNESCO dahil sa pagiging heritage textile. Ang Piña-jusi, Pina silk, Jusi ay mis-mismatch ng texture, translucency, at sheen. Ang Hablon at Abaca ay may uniqueness sa pattern, tibay at natural na ganda.

Dumalo sa okasyon sina Philippine Ambassador to the Holy See Myla Macahilig, PCG Milan Consul General Jim Tito San Agustin at Assessore Alessandro Onorato ng Comune di Roma. Kasama rin ang mga diplomats, fashion stakeholders, media at ilang personalidad sa filipino community.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Philippine Ambassador to Italy Nataniel Imperial na ang fashion show ay “higit pa sa isang pagpapakita o presentasyon ng mga tela, ito ay paghahabi ng kasaysayan at kultura”. Aniya, ang pagpapakilala ng mga telang galing Pilipinas ay isang suporta sa rural artisans sa Pilipinas—isang hakbang para ma-globalize ang Filipino textiles bilang sustainable at artisanal luxury.

Samantala, inialay naman ni Gng. Maria Maiani (founder ng MAM), ang fashion show kay Giorgio Armani, ang Italian fashion icon na pumanaw sa parehong araw. Ibinahagi rin niya na ang project ay naging oportunidad para sa kanyang mga estudyante na makapag-explore ng creative processes sa ilalim ng temang “Bianchi Contaminati”, isang koleksyong nagpakita ng fusion ng Philippine handwoven fabrics at Made in Italy craftsmanship.

Itinampok din sa nasabing gabi ang Fil-Italian singer na si Gabby Sarmiento, na kamakailan lamang ay naglunsad ng kanyang debut single na “Manila”. Ang kanyang performance ay nagdagdag ng musika at enerhiya sa selebrasyon, lalong pinatingkad ang cross-cultural spirit ng event.

Ang Bianchi Contaminati ay hindi lamang fashion show. Isa itong dialogo sa pagitan ng dalawang kultura at isang patunay na ang mga tela ng Pilipinas—tulad ng Piña—ay may malaking papel sa paghubog ng sustainable at globally inclusive future of fashion. (Photos by: Boyet Abucay)

Press Release ng Philippine Embassy Italy

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Sino sina Carlo Acutis at Pier Giorgio Frassati? 

Bagong scam! Nag-alok ng paupahang apartment sa social media, isang B&B pala!