in

Team Roma, Tagumpay sa InterEurope Season 4 Volleyball Tournament sa Geneva

Muling matagumpay na ipinakita ng Team Roma ang kanilang galing at pagkakaisa matapos mag-Champion sa katatapos lamang na InterEurope Season 4 Volleyball Tournament noong Setyembre 20–21 sa Petit Lancy, Geneva. Ang prestihiyosong paligsahan, na inorganisa ng Filipino Community Sports Association (FSA), ay dinaluhan ng mga Filipino volleyball teams mula sa iba’t ibang lungsod sa Europa gaya ng Rome, Milan, Bologna, Paris, Bern, Malta, UK, at Iceland, na may 9 men’s teams at 8 women’s teams.

Ito ang ikatlong tournament na kanilang napanalunan sa parehong men’s at women’s division—Bologna, Sweden, at ngayon sa Switzerland. Pinatutunayan ng Team Roma ang dedikasyon at pagkakaisa ng kanilang mga manlalaro.

Para sa koponan, higit pa sa panalo ang kahulugan ng bawat laban. “For the world we are just a TEAM, to each other we are a FAMILY. ” sabi ni Coach Alex Kurt Gunda.

Iniuwi din ng Team Roma ang mga sumusunod na Awards:

Men’s Division:

  • Best Coach: Alex Kurt Gunda
  • Best Server: Laurence Lumbres
  • Best Opposite Hitter: Tiago Zainodin
  • Best Open Hitter: Ethan Alvarez
  • Best Libero: Hilber Nambio
  • Season MVP: Ethan Alvarez
  • Finals MVP: Keneth Dela Rosa

Women’s Division:

  • Best Coach: Alex Kurt Gunda
  • Best Middle Player: Angel Hallares
  • Best Libero: Cristiana Burgos
  • Season MVP at Finals MVP: Erica Gutierrez

Ayon kay Coach Alex, patuloy ang pagbabago at paglakas ng koponan dahil sa pagpasok ng mga bagong miyembro at young talents, lalo na ngayong may ilang players na bumalik sa Pilipinas upang mag-aral at maglaro roon.

Challenging ang training dahil sa iba’t ibang schedule pero ginagawan lahat ng paraan. Hindi rin mawawala ang team building outside the court,” dagdag pa niya.

Para sa women’s division, mula noong 2022 ay nakalahok sila sa 6 InterEurope leagues, nakasama din nila si Coach Jeff Palado, at sa lahat ng iyon ay naiuwi nila ang tagumpay. Para naman sa men’s division, 6 na panalo sa loob ng 7 InterEurope leagues ang kanilang naitala.

Tungkol sa future plans, ibinahagi ni Coach Alex: “Kasalukuyan po ang paghahanda ng Team Roma para sa InterEurope League na gaganapin dito sa Roma ngayong December. Sa susunod na taon, plano rin naming lumaban sa ibang tournaments sa Norway, Spain, at Germany.”

Suporta ng Philippine Consulate General

Sa isang facebook post ng PCG Geneva, nagpakita ito ng mahigpit na suporta sa FSA sa pagtitipon ng mga Filipino volleyball teams mula sa iba’t ibang lungsod sa Europa—Paris, Milan, Rome, Norway, UK, at iba pa—bilang pagpapakita ng dedikasyon sa pagkakaisa, kahusayan, at sportsmanship ng Filipino community. Ipinagmamalaki ng Philippine Mission at Consulate General sa Geneva ang lahat ng kababayang kalahok sa torneo.

Para sa Team Roma, hindi lamang laro ang volleyball; ito ay simbolo ng pamilya, pagkakaisa, at pananampalataya. Ang tagumpay nila sa InterEurope Season 4 ay patunay ng kanilang determinasyon, galing, at walang kapantay na Filipino spirit—isang inspirasyon sa lahat ng kababayan sa Europa at sa buong mundo.

Ang Team Roma ay itinatag noong 2022, pagkatapos ng mga restrictions dahil sa pandemya. Bukod sa mga tournaments, karaniwan din silang nakikipaglaro sa mga friendly matches laban sa mga Italian teams, upang patuloy na hasain ang kanilang galing at teamwork.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Huling Click Day ng Flussi 2025 para sa Pagpasok ng mga Seasonal Workers sa Italya

Entry/Exit System (EES): Bagong Sistema ng EU para sa mga Bumibiyahe