Kilala sa tawag na Rusell, si Conrad Rusell Calabig, halos 30 anyos, isang waiter sa Roma kung saan sya ipinanganak at lumaki. Ngunit sa likod ng mahabang oras ng pagse-serve sa mga customers, si Rusell ay nabubuhay sa musika. Sa katunayan, sa murang edad na 14 anyos ay tumutugtog na sa banda si Rusell. At lingid sa mga nakakakilala sa kanya, sya ay isang avid fan ng fotball at mahilig magsulat ng poetry, bagay na humubog sa kanya sa pagsusulat ng mga awitin.
“Usually tumutugtog ako sa banda ng mga covers sa gigs, bars, events. Mahirap minsan, pero sobrang saya, lalo na ‘pag nakikita mong sumasayaw o sumasabay yung crowd”, masayang kwento ni Rusell.
Ngunit makalipas ang ilang taon, may tanong na umusbong sa kanyang pag-iisip na naghatid ng pagbabago: “Paano kaya kung sarili kong kanta ang maririnig ng mga tao?”
Gusto na niyang lumabas mula sa likod ng mga covers at mag-share ng sariling kwento—raw, personal, at totoo. Hindi lang para magpasaya, kundi para magpahayag. Aniya, doon nya na-confirm sa sarili na hindi lang pala pagiging performer ang kanyang nais, kundi lalong higit ang pagiging artist.
Mula sa matagal na pagtugtog ng covers, dumating na rin ang panahong nais niyang marinig ng mundo ang kanyang mga sariling awit, ang kanyang unang personal na proyekto, ang kanyang unang full-length album, ang UTOPIA. Ilalabas sa August 23, ito ay hindi lamang koleksyon ng kanta, ito ay damdamin na isinulat sa bawat nota, bawat linya, at bawat katahimikan sa pagitan ng mga tunog.
Binubuo ng 11 tracks ang Utopia, kabilang ang Intro at Outro na may spoken poetry. Mayroon ding acoustic version ng isa sa mga kanta bilang panghuling track.
Bawat kanta ay sumasalamin sa iba’t ibang yugto ng damdamin—mula sa posibilidad ng pag-ibig (Tear, Wish I Was Yours), hanggang sa katahimikan matapos itong maglaho (Slow Fade, Goodbye), at ang kakarampot na pag-asa na baka hindi pa huli ang lahat (MYSB).
Lahat ng boses sa album ay mula sa mga session singers na na-hire ni Conrad sa Fiverr, kabilang si Greg G., na kumanta rin sa debut single na Your Loss. Karamihan ay piniling manatiling anonymous—mas piniling ipaubaya ang spotlight sa kanta, hindi sa pangalan.
Ang tunog ng Utopia ay halong Alternative Pop, Dream Pop, at Synthpop. May impluwensya ng mga artist tulad ng LANY at The Chainsmokers, pero may sariling timpla ng damdamin at lalim.
“Dreamy, emotional, atmospheric. May parts na high-energy, pero mostly, puso ang nagpapatakbo ng tunog.”
Ayon kay Rusell, ang Utopia ay bunga ng 7 taong emosyonal na paglalakbay. Ito ay kanyang simulang isinulat matapos ang unang seryosong heartbreak. Sa tagal ng panahon, nabaon sa drafts at demo folders ang mga kanta. Pero ngayon, handa na siyang ilabas ito sa mundo.
Sa katunayan, para kay Rusell, hindi raw laging madali ang proseso. Minsan mabagal magsimula, pero kapag naramdaman na niya, tuloy-tuloy na.
‘Walang pressure’, ika nga. Pero ngayong ilalabas na sa publiko, aminado si Rusell na may halong kaba at self-doubt.
Ang Utopia ay kanyang alay sa lahat ng nagmahal nang buo, nasaktan nang tahimik, at umasa pa rin sa kabila ng lahat.
“Gusto kong maramdaman ng makikinig na hindi sila nag-iisa. Na may mga tulad nila. At may mga kantang pwedeng sumalo sa mga di nila masabi.”
Sa lahat ng kanta, ALLURE ang pinaka-malapit sa puso ni Conrad.
“Ito ’yung tungkol sa toxic longing—yung alam mong hindi siya mabuti para sa’yo, pero gusto mo pa rin siya,” paliwanag niya. “Nasulat ko siya 2 a.m. habang hindi makatulog. Nag-loop lang sa isip ko yung drums, so tumayo ako at nirecord lahat: drums, bass, guitar, synths.”
Dito makikita ang totoo at likas na pagsabog ng damdamin—hindi inisip, kundi naramdaman, aniya.
Ang first single, Your Loss, ay isang matapang na panimula—isang paalala na minsan, hindi ikaw ang kulang, baka ikaw lang ang sobra para sa maling tao.
Inspirasyon? “Girl problems”, palabirong sagot ng binata.
Ang Your Loss ay higit pa sa isang breakup song – ito ay isang journey from heartbreak to acceptance.
“Naalala ko sinabi niya na may nakilala na siyang iba. Iba ‘yung glow ng mata niya nun—’yung ngiti na alam mong masaya siya. In that moment, I thought: ‘I could’ve given her that too.’”
Few days later, the song began to take shape. At first, it was heavy. Painful. Raw. But somewhere along the writing process, something shifted.
“Bigla kong naisip: ‘Bakit parang ako pa yung sobrang talo? Wait lang… it’s her loss.’”
That realization became the soul of the song—a message of quiet strength, rising from emotional rock bottom. YOUR LOSS doesn’t shout; it speaks with honesty.
Tungkol sa tunog, ito ay tinukoy ni Rusell na “emotionally direct but minimal”. Aniya “May guitar and drums sa verses, tapos synths sa chorus. Yung bass steady lang, very groove-based. Hindi siya flashy. It’s short and simple—but may laman.”
Sa katunayan, ang Your Loss ay para sa mga pagmumukmok pagkatapos ng heartbreak, para sa mga taong nago-overthink, at para sa mga nasa proseso ng ‘letting go’.
“Your Loss is more than just a song—it’s a message of healing, and confidence. At kung isa ka sa mga taong iniwang bitin at luhaan, baka ito na ang anthem mo.”


