in

Aggiornamento Permesso di Soggiorno UE, kailan dapat gawin? Anu-ano ang mga requirements?

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Ang permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti o EC long term residence permit, kilala din sa dating carta di soggiorno, ay isang uri ng dokumento na ibinibigay sa mga dayuhang permanenteng naninirahan sa isa sa mga bansa ng European Union at nakakatugon sa mga itinalagang kundisyon ng batas. Indefinite o walang limitasyon ang validity nito, at nangangailangan lamang na i-update o gawin ang ‘aggiornamento’ ng nasabing dokumento. 

Basahin din: Permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti, mga dapat malaman sa pag-aaplay

Kailan dapat gawin ang aggiornamento ng permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti? 

Ang aggiornamento o paga-update ng permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti ay dapat gawin kung: 

  • Nagpalit ng tirahan (o Cambio domicilio);
  • Paglalagay ng pangalan ng anak na ipinanganak sa Italya (o Inserimento del figlio minore nato in Italia);
  • Paglalagay ng pangalan ng anak na mas bata sa 14 anyos na kadadating lamang sa Italya (o Inserimento del figlio sotto 14 anni che ha fatto ingresso in Italia);
  • Nagrenew ng pasaporte
  • Pagbabago ng mga personal datas (o variazione anagrafiche);
  • Pagpapalit ng ID picture;
  • Tuwing ika-limang taon kung nais itong gamitin bilang ID.

Mga requirements sa aggiornamento ng permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti

Para sa nag-renew ng passport at nagpalit ng tirahan:

  • permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti
  • balidong pasaporte
  • codice fiscale
  • 4 ID pictures
  • 1 marca da bollo na nagkakahalaga ng €16,00
  • Bollettino postale na nagkakahalaga ng €30,46 sa c/c n° 67422402

Para sa paglalagay ng pangalan ng anak na menor de edad:

  • Atto di nascita completo (kasama ang pangalan ng mga magulang). Kung ipinanganak sa Italya ay makakakuha ng kopya sa Comune. Kung sa Pilipinas ipinanganak, ang Nirthcertificate ay kailangang legalized/apostilled at translated;
  • Pasaporte ng menor de edad;
  • Codice fiscale ng menor de edad;
  • Bollettino postale na nagkakahalaga ng €30,46 sa c/c n° 67422402 para sa bawat meor de edad.

Tandaan na hindi babayaran ang ‘contributo’ ng €100,00 sa aggiornamento at hindi rin kinakailangang ilakip ang lahat ng mga requirements para sa first issue nito tulad ng reddito at iba pa. 

Validity ng permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti

Itinalaga simula noong January 2021, ang mga permesso di soggiorno UE ang limitadong validity ng 10 taon ng nasabing dokumento sa halip na ‘illimitato’ o walang limitasyon. 

Gayunpaman, ang validity ng sampung taon ay tumutukoy sa pisikal na expiraton ng dokumento na dapat palitan tuwing ika-sampung taon. Ito ay nangangahulugan na nananatiling unlimited ang validity nito. (PGA)

Basahin din: Ano ang pagbabago sa validity ng Permesso di Soggiorno UE?

Source: portaleimmigrazione.it, questure.poliziadistato.it

Click to rate this post!
[Total: 6 Average: 2.8]

Permesso di soggiorno, dapat bang dala palagi ang orihinal?

Cambio residenza, isang click na lang!