in

Bonus bebè, inilathala na ang implementing rules

€ 80 kada buwan sa tatlong taon para sa mga pamilya kung saan isang sanggol ang ipinanganak o ang inampon. Aplikasyon online, matapos ang mga paghahanda ng Inps.

 

 

 


Roma – Abril 14, 2015 – Matapos ang matagal na paghihintay, tila nalalapit na ang pagpapatupad ng pinakhihntay na ‘bonus bebè’.

Noong nakaraang Biyernes ay inilathala sa Official Gazette kasama ang dekreto ng implementing rules ng bagong benepisyo na ipinagkaloob ng Estado sa mga pamilya. Hinihintay na lamang ang petsang itatalaga ng Inps sa pagsusumite ng mga aplikasyon.

Ang bonus ay tumutukoy sa 80 euros kada buwan na ibibigay sa mga pamilyang nabanggit sa loob ng 3 taon mula sa kapanganakan ng sanggol o simula sa pagpasok ng bagong miyembro sa pamilya hanggang sa ikatlong taon. Ito ay ibibigay sa mga pamilya na ang ISSE ay hindi lalampas sa 25,000 euros sa isang taon. Ang halaga naman ng benepisyo ay magiging doble kung ang ISSE ay hindi lalampas sa 7,000 euros kada taon.

Ito ay malaking tulong din maging sa mga pamilya ng mga imigrante. Sa katunayan, ang benepisyo ay matatanggap din ng mga mayroong carta di soggiorno.

Ang aplikasyon ay isusumite online sa website ng Inps sa loob ng 90 araw mula sa kapanganakan o pag-aampon o 90 araw simula ng ipatupad ang dekreto. Ang huling nabanggit ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga batang ipinanganak mula noong Enero 1, 2015 hanggang sa kasalukuyan, upang kanila ring matanggap ang mga buwang lumipas. Samantala, ang mga mahuhuli sa pagsusumite ay matatanggap rin ang bonus simula sa buwan ng pagsusumite ng aplikasyon.

Tulad ng nabanggit, Inps na lamang ang hinihintay sa paghahanda ng mga forms at ng detalyadong pamamaraan ng pagsusumite online ng mga aplikasyon. Kailan ang simula? Ayon sa dekreto, 'sa loob ng 15 araw', ngunit matapos ang pagkaka-antala nito ng mahabang panahon, inaasahan ng lahat ang pagpapatupad nito sa lalong medaling panahon.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Income tax return, ano ito at sino ang mga fiscally dependents?

TADHANA