in

Carta di soggiorno, pinawawalang bisa sa mga nawalan ng trabaho

Sa Milan at iba pang lalawigan ay sinusuri ang halaga ng kabuuang sahod 
sa paga-update ng dokumento. Anolf: “Labag sa batas at isang diskriminasyon, kailangang kumilos ang EU”.
 
 
 
 

 
Roma – Abril 22, 2015 – Ito ay teknikal na tinatawag na EC long tem residence permit, ngunit kilala ng lahat sa tawag na ‘carta di soggiorno’. 
 
Ang mga imigrante ay maaari lamang magkaroon ng nasabing dokumento matapos ang limang taong regular na pagiging residente sa bansa, kung mapapatunayan ang pagkakaroon ng angkop na sahod at tahanan, matapos bayaran ang 200 euro na kontribusyon at matapos sumailalim at maipasa ang pagsusulit sa wikang italyano. Dahil ito ay isang long term residence document at walang expiration o ‘a tempo indetrminato’. 
 
Ngunit ilang Questure, tulad sa Milan, ang nagsimulang magpawalang-bisa ng mga carta di soggiorno dahil sa kawalan o kakulangan ng itinakdang sahod mula sa regular na trabaho sa mga huling nagdaang taon. At tinatayang maraming migrante ang maaapektuhan nito, dahil sa krisis, ay maraming nawalan ng trabaho. 
 
Nagsimula ang pagpapawalang-bisa mula ng mag-aplay ang mga dayuhan ng duplicate o mag-update ng nasabing dokumento – dahil sa pagkakaroon ng anak, pagpapalit ng litrato sa dokumento o pagpapalit ng numero ng pasaporte – bagay na dapat gawin ng mga dayuhan tuwing ikalimang taon upang kilalanin ang dokumento bilang identification document. 

 
 Sa katunayan, nasasaad sa Batas sa Imigrasyon (TU) ang pagpapawalang bisa sa carta di soggiorno sa ilang kaso lamang tulad ng pagiging mapanganib ng dayuhan sa kapayapaan at seguridad ng komunidad o ang paglabas ng dayuhan sa EU conutries ng sunud-sunod na 12 buwan. Walang anumang nabanggit ukol sa muling pagsusuri sa sahod o kita ng dayuhan.  
 
“Ang ginagawa ng Questura ng Milan ay hindi ayon sa batas at dapat ihinto”, ayon kay Maurizio Bove, president ng Anolf ng Milan sa panayam ng stranieriinitalia.it. Ngunit paano binibigyang katwiran ng Questura ang pagpapawalang-bisa sa mga dokumento? “Kung ang isang dayuhan ay hindi mapapatunayan ang pagkakaroon ng itinakdang sahod, pagbabayad ng buwis at kontribusyon, ay hindi regular na nag-trabaho (in nero) at isang tax evader. At dahil dito, ay kailangang parusahan sa pamamagitan ng pagpapawalang-bisa sa carta di soggiorno”. 
 
Samakatwid ay “isang pagbibintang – ayon kay Bove – samantalang ang tunay na sitwasyon ay ang kawalan ng trabaho ng marami. Bukod dito, kung tunay na nais saliksikin ang pagbabayad ng buwis,  bakit kailangang magsimula sa mga mahihirap? Gayunpaman, ang kanilang ginagawa ay hindi nasasaad sa batas. At ngayon, matapos ang pagpapawalang bisa ulit sa ilan, kami ay nag reklamo sa TAR at naghihintay ng pagkilos ng Bruxelles”. 
 
Si Bove at ang national president ng Anolf, Mohammed Saady, ay ipinagbigay-alam na rin ito sa European Internal Affairs Commission at humihingi kami ng paglilinaw. Sa isang detalyadong liham, ay kanilang sinabi na ang pagpapawalang-bisa ay labag sa batas ng Europa, bukod pa sa isang diskriminasyon. 
 
“Ang ipotesis na ang kawalan ng trabaho ay sinadya ng mga mayroong carta di soggiorno – ayon sa liham ni Saady at Bove – ay isang diskriminasyon. Bukod dito, ang tax evasion at ilang uri ng pag-iwas sa pagbabayad ng buwis ay isang sakit sa Italya at nakakahiya na ang sakit na ito ay ibintang lamang sa mga dayuhang naririto”. 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ambassador Domingo P. Nolasco, ang bagong Philippine Ambassador to Italy

18 anyos na anak, maaari bang bigyan ng permesso di soggiorno per motivi familiari?