in

Citizenship ipinagkait dahil sa wikang italyano, Prefect namagitan

Namagitan ang Varese prefect sa kaso ni Rani Pushpa. “Ang pagiging ganap na mamamayang italyano ay kanyang karapatan, ang alkalde ay walang anumang kapangyarihan na ipagpaliban ito”.

Varese – Marso 3, 2015 – Si Rani Pushpa ay may karapatang maging ganap na italyano. Ang alkalde ng lalawigan ay hindi maaaring ipagkait ito dahil lamang hindi bihasa sa wikang italyano.

Si Rani Pushpa ay nilisan ang India 15 taon na ang nakakalipas. Nagkaroon ng marangal na buhay sa Italya kasama ang asawa at 4 na anak. Isa sa mga itinuturing na ‘new italians’ at nais na maging ganap na italyano sa harap ng batas. Ngunit matapos matanggap ang notification ukol sa dekreto ng pagkamamamayan at magtungo sa Comune di Cairate, sa Varese, para sa huling kinakailangang hakbang – ang panunumpa ng katapatan sa Republika at pagsunod sa Konstitusyon at batas ng bansang Italya – ay pinayuhan ng alkalde ng lungsod na mag-aral muna ng wikang italyano bago maging isang ganap na italyano at ipinagkait ang panunumpa.

Ang sinumang manunumpa sa pagtanggap ng italian citizenship ay kailangang marunong magsalita ng wikang italyano – paliwanag ng alkalde – ito ay hinihingi ng batas at may kakayahang basahin ang Konstitusyon. Ang Ginang Rani ay hindi pa handa para dito”.

Sa katunayan, ang batas sa citizenship hanggang sa kasalukuyan ay hindi nangangailangan ng anumang pagsukok o test sa italian language, ngunit nararapat na may kakayahang i-recite ang formula ng panunumpa. “Hindi ito diskriminasyon, dalawang beses sa isang linggo ang panunumpang ginagawa sa aking tanggapan, ngunit ito ay sa mga may kakayahang magsalita sa wikang italyano”.

Mabilis na namagitan ang Varese prefect sa kasong ito. “Aming pinag-aralan ang buong kaso nito – paliwanag ni Prefect Giorgio Zanzi – at ang pahintulot ay hindi maaaring ipagkait. Ang preliminary activity o istruttoria sa dumaan sa aming tanggapan nitong Hunyo at ako mismo ang pumirma sa pagtanggap sa aplikasyon”.

"Sa katunayan – bigay diin ni Zanzi – ang ginang ay nag-aplay nito dahil ang kanyang kabiyak ay isang italyano na. Ito ay tumutukoy sa isang hindi maipagkakait na karapatan, kung kaya’t ang alkalde ay walang  anumang karapatang ipagpaliban o ang ipagkait ito.

Maliban na lamang kung nais ng alkalde ng isang habla laban sa kanya, dahil sa March 8 ay ang nakatakdang deadline sa pagbibigay ng citizenship. Makabubuting pahintulutan ng alkalde ang Ginang Rani na manumpa ng katapatan at pagsunod sa Konstitusyon at batas ng Italya.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

The “PROM2”- CUPIDS AND COCKTAILS

10 taon ng residency sa citizenship, sa iisang lungsod ba dapat?