in

Philippine driver’s license, maaari bang gamitin sa Italya?

Kadarating ko pa lamang sa Italya. Maaari ba akong magmaneho gamit ang aking philippine driver’s license?

 

Roma, Hunyo 1, 2015 – Ang mga non-EU nationals, kabilang ang mga Pilipino na mayroong Philippine driver’s license na inisyu sa sariling bansa ay maaaring malayang magmaneho sa Italya kung mayroong sworn translation ng lisensya o nagtataglay ng isang International Driving Permit. Kung magmamaneho gamit ang driver’s license na walang lakip na sworn translation, nasasaad sa highway code na ang mga lalabag ay magmumulta mula 400 hanggang 1,600 euros

Ang mga Pilipino, tulad ng lahat ng mga non-EU nationals, na mayroong foreign license ay maaaring magmaneho sa Italya hanggang isang (1) taon mula sa pagkakaroon ng residency. Ito ay nangangahulugan na, kung hindi magpapatala sa Registry Office (Ufficio Anagrafe) ng Comune, ang palugit ng isang taon ay hindi mai-aaplika. 

Matapos ang isang taong pagpapatala sa Registry Office, ang dayuhan ay maaari lamang magpatuloy magmaneho sa Italya kung papalitan ang hawak na lisensya sa italian driver’s license.

Sa kaso ng pagmamaneho gamit ang foreign driver’s license higit sa isang taon ng pagpapatala ay nasasaad ang parehong parusa o multa sa sinumang mayroong expire na italian license, bukod sa kumpiskado ang lisensya ay magmumulta mula 168 hanggang 674 euros.

Ang prosesong dapat sundin sa conversion ay nag-iiba, batay kung ang sariling bansa ay pumirma o hindi sa kasunduan sa pamahalaan ng Italya.

Ang Pilipinas ay isa sa mga purmirma sa kasunduan at samakatwid ang mga Pilipino ay maaaring gawin ang conversion mula sa philippine license sa italian driver’s license at magpapahintulot na palitan ito nang hindi na kailangang sumailalim sa anumang pagsusulit (theory & practical).

Ang Italya ay pumirma ng mga bilateral agreement ukol sa conversion na nabanggit sa maraming bansa na matatagpuan sa talaang ito. Kung ang driver’s license na hawak ng migrante ay maaaring i-convert ay ipinapayong suriin ang mga kundisyong nasasad sa kasunduan at humingi ng mga mahahalagang impormasyon sa Motorizzazione Civile na sumsakop sa tahanan dahil ang talaan ng mga bansa ay maaaring magkaroon ng mga pagbabago at maaaring ang ilang kasunduan ay hindi na balido.

  • Ang conversion na pinahihintulutan sa ilalim ng ilang kundisyon lamang ay sa mga bansang:
  • Canada (diplomat at consular personnel lamang)
  • Chile (diplomat at kanilang mga pamilya)
  • Estados Unidos(diplomat at kanilang mga pamilya)
  • Zambia(mamamayang nasa misyon ng pamahalaan at ang kanilang mga pamilya)

Ang owner ng foreign driver’s license ay kailangang gawin ang aplikasyon ng conversion sa tanggapan ng Motorizzazione na sumusakop sa tirahan, gamit ang form TT 2112.

Ang aplikasyon ay maaari lamang gawin kung balido pa ang lisensya.

Matapos ang pagsusumite ng aplikasyon ay gagawin ang kinakailangang pagsusuri ng tanggapan ng Motorizzazione ukol sa mga dokumentasyong  inilakip sa aplikasyon ng conversion.  Pagkatapos nito ay ibibigay sa aplikante ang italian license at kukunin ang foreign license.

Issuance ng italian driver’s license

Kung ang driver’s license ay inisyu sa bansang hindi kabilang sa mga pumirma sa kasunduan, ang dayuhan ay obligadong dumaan sa parehong prosesong pinagdadaanan ng mga Italians upang magkaroon ng lisensya.

Ipinapaalala na ang aplikasyon para sa issuance ng driver’s license ay maaari ring isumite ng dayuhan habang naghihintay ng first issuance ng permit to stay o renewal nito.

Matapos ang pagsasailalim sa theory at practical exam, ibibigay ng tanggapan ang italian driver’s license sa aplikante at kukunin ang lisensyang hawak nito upang ibalik sa konsulado ng bansang nag-isyu nito.

ni: Atty. Mascia Salvatore
isinalin sa tagalog ni: Pia Gonzalez-Abucay
 

Nais mo ba ng higit na impormasyon ukol sa paninirahan sa Italya? Bisitahin lamang Migreat.com, ang aming sister website, para sa inyong mga katanungan.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Direk Benjie, nanalo ng Best Supporting Actor sa pelikulang “A Tutto Tondo”

Dalawang gypsies na tumakas, nahuli na!