Sa mga Unyon, ang karapatan ng mga migranteng manggagawa ay palaging naipaglalaban.
Roma, 31 Marso 2010 – “Ang sandaling ito ay mahalaga, panalo ang isang karapatdapat na babae, isang taon sa loob ng Unyon ay nagunguna sa pakikipaglaban para sa karapatan ng mga dayuhang manggagawa”. Ito ang naging opinyon ni Gamal Bouchaib, presidente ng Kilusan ng mga moderatong Muslim, matapos ang tagumpay ni Renata Polverini sa halalan sa Lazio. “Libo-libong new citizens sa Lazio ang sumuporta sa candidacy ni Polverini, pahayag ng Muslim leader. Sa halalang ito, partikular na nakilahok ang mga kabataang dayuhan na ngayon ay maituturing na bagong mamamayang italyano. Ang mga kabataang ito ay mobilized at nakita naman ang resulta. Nalulugod kami sa tagumpay ni Polverini at kinilala niya publicly ang aming kontribusyon”.