Karapatang magbakasyon ay hindi pwedeng ipagpaliban: walang saysay ang kasunduan between employers na ipagpaliban ang bakasyon. Ang employer ang nagdidetermine kung kelan magbabakasyon ang kaniyang worker at ito’y dapat kaagad ipapaalam:
karapatan ng worker na magbaksyon ng apat na linggo sa loob ng isang taon;
ang karapatang magbakasyon ng 2 linggo sa loob ng isang taon (kung ito’y hihilingin ng worker dapat magkasunod na linggo);
karapatang gamitin ang natirang susunod na 18 months sa katapusan ng taon
aplikasyon ng administrative sanction para sa pagsuway sa mga nasabing obligasyon, (magbabayad ng 130 euro hanggang 780 euro sa bawat isang worker)
ipinagbabawal ang pagbabayad ng pera kapalit ng 4 na linggong bakasyon, maliban na lamang kung tapos na ang pagtatrabaho. Ang mga araw ng ferie na humigit sa 4 na linggo ay maaaring gamitin kahit pagkatapos ng 18 buwan o kaya’y babayaran na lamang. Ang kaukulang araw ng ferie ay ibinabase sa maternity leave, pagkakasakit at aksidente, kung may katungkulan sa panahon ng election, kung binawasan ang oras ng trabaho. Samantala, hindi kasama sa kwenta ang panahon ng pagtigil sa trabaho kung ang dahilan ng pagliban sa trabaho ay nagkasakit ang anak, panahon na nagrequest of absence para kumadidato sa election. May karapatan ang worker na pahabain ang bakasyon kung sa panahong ito ay may holiday. Kung ang worker ay hindi nagbakasyon, bukod sa bayad na sweldo sa mga araw na kaniyang ipinagtrabaho, may karapatan pa siyang makatanggap ng halagang katumbas ng kaniyang baksyon. Kung ang pagtatrabaho ay natapos within the year, tatanggap ang worker ng karampatang halaga para sa mga araw ng ferie hanggang sa huling araw ng pagtatrabaho.
Bakasyon at sick leave
Ang pagkakasakit ay dapat ipaalam ng worker sa kompanya sa pamamagitan ng pagpapadala ng medical certificate. Sa abisong ito, dapat nakaindicate ang tunay na address para sa oras ng pagbisita ng doctor sa kaniya (mula 10:00 am – 12:00 noon at mula 5:00 om hanggang 7:00 pm) na ipadadala ng Inps at ng Asl. Sa pagkakasakit isususpende ang ferie kung hindi siya natagpuan sa bahay sa oras ng pagbisita ng doctor at napatunayan na hindi totoo na may sakit, maaari siyang tanggalin sa trabaho.
Bakasyon para sa colf at badanti
Ang mga domestic helpers ay may karapatang magbakasyon at ang maturation period ng kanilang bakasyon ay itinatakda ng employer, base sa mga pangangailangan ng mga ito. Ang minimum period ng bakasyon kung magtatrabaho sa loob ng isang taon ay 8 days para sa mga nagtatrabaho ng per hour; 15 days para sa mga workers na nagtrabaho nang 5 taon; 20 days para sa nagtrabaho ng higit sa 5 years; 26 days para sa mga worker na nagtatrabaho ng full time o stay-in. Kung ang pagtatrabaho ay di humigit sa isang taon, ang worker ay may karapatan sa 12th month pay sa panahon ng ferie.