in

Basta’t BANGKO, SIGURADO!

International Financial Literacy Briefing on Retail Treasury Bonds for OFWs

4/05/2010 – “Basta’t BANKO, SIGURADO!” ang naging tema ng ilang serye ng training seminars na  inihatid sa mga OFWs ng Italya ng Bureau of Treasury sa pakikipagtulungan sa iba pang sangay ng pamahalaan ng Banko Sentral ng Pilipinas, Department of Finance,  Department of Affairs at apat na sponsor agencies: PNB Capital & Investment Corporation, BPI Capital Corporation, First Metro Capital Corporation at Landbank.  Ang Bureau of Treasury Roadshow ay kinabibilangan ng 8-kataong delegado na kumakatawan din ng iba’t-ibang sangay ng pananalapi at mga lokal na bangko sa Pilipinas sa pangunguna mismo ni Treasurer Roberto B. Tan ng Bureau of Treasury.  Ang iba pang parte ng delegasyon ay kinabibilangan nina  Mr. Manuel S. Banayad, President & CEO ng PNB Capital & Investment Corporation, Mr. Roberto Juanchito T. Dispo, EVP ng First Metro Investment Corporation, Ms. Janice M. Gamos, Deal Officer ng First Metro, Director Stella Laureano ng Department of Finance, Director Rosabel B. Guerrero ng Banko Sentral ng Pilipinas, Mr. Denis S. Sta. Catalina ng BPI Capital Corporation at Atty. Ramil T. Bugayong ng PJS Law.

Naunang isinagawa sa Milan ang Retail Treasury Training seminar noong ika-11 ng Abril sa Hotel dei Cavalieri na dinaluhan ng mahigit na 150 OFWs na kasalukuyang naninirahan at naghahanapbuhay sa siyudad ng Milano at sa mga karatig siyudad nito.  Nag-host ng isang business lunch meeting ang PNB Italy, SpA sa nasabing delegasyon noong nakaraang Abril 13 sa isang Chinese Restaurant sa Via Cavour sa Roma, sa pangunguna ng bagong Managing Director ng PNB, Mr. Vic E. Cobarrubias.  Isang dinner business dinner meeting naman ang inihanda ng Philippine Embassy Office noong araw ding iyon sa delegasyon na dinaluhan ng iba’t-ibang Filipino community leaders at representatives ng ibat-ibang Filipino establishments sa Roma. Ang dinner ay isinagawa sa Ristorante San Marco sa Via Sargegna sa Roma.

Para sa mga OFWs sa Roma, sa Ristorante Karisma isinagawa ang  training seminar sa Retail Treasury Bonds noong Abril 15.  Ang seminar ay umikot sa panghihikayat sa mga OFWs na mag-invest sa siguradong pamamaraan sa tulong na rin ng iba’t-ibang Philippine banks na may tanggapan sa Italya katulad ng PNB, Landbank, Metrobank, BPI, RCBC at BDO.  Kaya naman binigyang diin na rin ni Ms. Elsa Asuncion-Lim, Managing Director ng Landbank, at nagsilbing facilitator ng araw na iyon sa nasabing seminar na ”Basta’t Banko, Sigurado!”

Ang pag-iinvest sa pamamagitan ng Retail Treasury Bond ay nakakasigurado dahil bukod sa napakababang halagang hinihingi nito bilang minimum investment amount, may higit na mataas na taunang interest rate naman ang matatamo ng mga investors na nagsisimula sa 3.5% (depende sa amount).  Inii-offer din ang nasabing bonds sa dollar at euro currencies at ang interest ay tax free.  Ang retail treasury bond ay isang matalinong paraan para naman mabigyan ng halaga ang mga pinaghirapang ipon ng mga manggagawang Pilipino na nagta-trabaho sa ibang bansa.  Ang launching date ng Retail Treasury Bonds ay nitong Abril 20 hanggang Abril 27 para sa mga OFWs.  Ang itinakdang issue date para sa Multi-Currency Retail Treasury Bonds (RTBs) ay Abril 29, 2010.  Para sa mga karagdagang pang impormasyon, ang mga interesadong Pilipino ay maaaring magsadya o tumawag sa kani-kanilang mga paboritong banko na may tanggapan sa Italya katulad ng PNB, Landbank, Metrobank, BPI, RCBC at BDO dahil basta’t banko, sigurado! (Rogel Esguerra Cabigting)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Isang Kakaibang Handog sa Unang Anibersaryo ng FCTC

40 oras na panalangin inilunsad sa Roma para sa matapat na eleksiyon sa Pilipinas