in

Bagong presidente inihahanda na ng Malacañang

Nakatutok sa election 2010 ang mga Pilipino sa buong mundo, sa facebook, e-mail, text messages at kung anu-ano pang pamamaraan upang maging updated lamang sa naging resulta ng halalan.

Nangunguna sa listahan ng presidential dashboard si Noynoy Aquino. Mga kabataang bumoto, mga OFWs sa buong mundo, mga mamamayang Pilipino sa bansa ay umaasang may malaking pagbabago sa bansang Pilipinas.

Naghahanda na, ayon sa mga balita ang Malacañang para sa bagong presidente. Nagbubuo na transition team na siyang magbibigay ng daan upang maupo ang bagong presidente ng bansa sa oras na matapos ang termino ni President Gloria Macapagal Arroyo sa June 20, 2010.

Napabalita na rin na inatasan ni Arroyo si Executive Secretary Leandro Mendoza na mamuno sa Presidential Transition Coordination Team. Ang magiging trabaho ng nasabing transition team ay maghanda sa pagpasok ng bagong presidente, baogn Congress at bagong local government officials, ayon pa ka President Arroyo.

Sinabi rin ni Arroyo na si Mendoza at ang team ay kailangang magtrabaho closely kasama ng mga kinatawan ng bagong presidente upang masiguro ang matahimik, maayos at effective transition sa ika-30 ng Hunyo.

Aniya (GMA) inihahanda na ni Mendoza ang unang draft of the transition team, umaasahang ang susunod na administrasyon ay magmamana ng isang malakas na bansa at may 37 na magkakasunod na quarters of economic growth.

Ayon pa kay Mrs. Arroyo, ibibigay rin ng mga militar ang suporta at koopersayon ng militar tulad ng suporta at pakikiisa ng mga ito sa kaniya. “We are committed to doing what is required during this transition to give the next team the support they need to keep our country moving forward,” she said.

Ganap 4:07 ng hapon Martes, nangunguna si Benigno Aquino III sa presidential race sa bilang na 13,036,271 votes, pumapangalawa si Estrada na may botong 8,345,828.

Graceful exit naman ang ipinakita nina Manuel Villar Jr., Gilberto Teodoro Jr., Richard Gordon, John Carlos delos Reyes at Eduardo C. Villanueva. Isinuko na ng mga rivals ni Aquino ang posisyong pagiging prisidente ng bansang Pilipinas. Ito ay pagpapakita lamang na may tunay pa ring leadership sa bansa at handa naman sila diumano na makipagkaisa kay Aquino. (Liza B. Magsino)

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Fassino (Pd): “Mas kakaunting bilang ng pagpasok sa Italya, mas maraming karapatan”

Self-employment: paano ang pumasok sa Italya