Nakatala ito sa form RW kahit hindi kumikita. Magmumulta ang hindi makakatupad.
Roma – Sa deklarasyon ng taunang kita, dapat itala ng residenteng dayuhan sa Italya ang kanilang bahay na sa sariling bansa. Ito’y isang atas para din sa mga bahay na hindi pinaninirahan o pinamamahayan ng kamag-anak na kung saan ang may-ari ay walang kinikita mula sa nasabing bahay.
Noong Hunyo ipinahayag ng Sole 24 ang daily newspaper ang tungkol sa magiging komplikasyon ng bagong kautusan na iminungkahi ng Agenzia delle Entrate (Internal Revenue). Naging partikular ang pagdedeklara ng bahay na makikita sa Form RW Section II ng Modello Unico 2010, “kahit ito’y walang kinikita”, at ang sinumang hindi susunod sa atas ay tatanggap ng malubhang parusa tulad ng pagkumpiska sa katumbas na halagang hindi idineklara.
Kung ang bahay sa labas ng bansa ay may kinikitang salapi, dapat magbayad ng karagdagang buwis o maaaring walang dagdag na kabayaran, gayunpaman kailangang ipaalam sa Internal Revenue na siya’y may bahay sa country of origin. Ang mga accountants (commercialisti) at Tax Assistance Centers (Centro Assistenza Fiscale o CAF) ay may kaalaman sa pagbabagong ito at dapat itong isaalang-alang at ipaalam sa mga kliyenteng dayuhan sa oras na sila’y magfile ng annual income tax declaration.
Dagdag itong pahirap sa mga tax payor. Ang bahay na hindi kumikita ng salapi ay hindi naman makakadagdag ng income sa bansa. Ayon sa Sole 24 Ore, magiging mahirap para sa Internal Revenue ang magsagawa ng control sa mga Dayuhang Bansa sapagkat sa ngayon wala namang sukat ng bahay na pinaghahawakan ang mga dayuhan. “Kung kailangan naming ipaalam ang aming bahay sa Tirana – pahayag ng isang Albanian – mas mabuti pang ilipat na lang namin ang aming ari-arian sa iba upang wala kaming alalahanin, okey na kami”.