in

MANDATORY MEMBERSHIP NG OFW SA PAG-IBIG IBINASURA NG MGA MIGRANTE SA MILAN!

Umaalma ang MIGRANTE-Milan,  Samahan ng mga Kababaihan sa Milano (SAMAKAMI), UMAKBAY, LAMPADA, at KAPIT-BISIG  sa  bagong patakaran ng PAG-IBIG Fund sa ilalim ng Republic Act 9679 kung saan magiging mandatory ang membership ng OFW sa ahensya.

Isa na naman umano’ng panibagong pasanin ng mga migranteng Pinoy ang mandatory membership na katulad ng bayarin sa OWWA kung saan obligado magbayad nito.

Binigyang diin ng mga migrante na isang malaking kasinungalingan ang sinasabi ng gobyerno na makakatulong sa mga OFW ang mandatory membership sa PAG-IBIG Fund. Lalo lamang umanong  madadagdagan ang mabigat nang pasanin ng mga migranteng Pinoy.  Binira din nila ang umano’y walang-patid  na paglikha ng mga batas ng rehimeng Arroyo ukol sa mga bayarin na ipinapapasan sa mamamayan at manggagawang migrante.

Inisa-isa ng grupo ang taunang pasanin na ibinabato sa sambayan partikular sa mga OFW kabilang dito ang kontrobersyal na Memorandum Circular 04 o MC04 noong 2008 kung saan kinakailangan magharap ng  US$8,000 bond ang mga  foreign employer na handang magdirect hire ng mga  manggagawang  Pilipino. Gayunman,  ito ay sinuspinde dahil na rin sa mariing pagtutol ng mga migrante sa Italya at iba pang panig ng mundo.

Noong 2009 naman ay itinaas sa  50,00 euro ang dating 40,00 euro na bayarin sa passport.  Ang 40,00 euro na passport fee ay itinakda dahil na rin sa pagpupursige ng mga migranteng Pinoy dito sa Italya na tutulan ang 65,00 euro na passport fee.

At ngayong 2010, mariing binabatikos ng mga migranteng Pinoy ang mandatory membership sa PAG-IBIG Fund na umano’y  isang malinaw na panibagong panggagatas noong panahon ni dating Pangulong Arroyo.  

Hindi rin nakakalimutan ng mga migrante ang bilyong pondo ng OWWA,  bilyong piso na pera ng manggagawang migrante na hanggang ngayon ay nawawala. (Zita Baron)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carta di soggiorno, magkano ang kailangang income?

13 years old tinanghal na “Mutya ng Pilipinas-Italy 2010” ng FEA-Empoli