in

Pagkakasakit sa panahon ng bakasyon…ano dapat gawin.

Isa po akong dayuhan at empleyado ako ng isang kompanya, habang ako ay nakabakasyon, nabalian po ang aking isang binti, maaari ko po ba isuspende ang aking bakasyon? 

Roma – August 4, 2010 – Ang bakasyon ay pahinga mula sa mahabang pagtatrabaho upang mag-ipon muli ng lakas ng katawan at isipan. Subalit kung ikaw ay nasa panahon ng bakasyon at nagkasakit na siyang dahilan upang pigilan ang pagpapahinga, ang bakasyon ay maaaring isuspende at mag-sick-leave. 

Ang pagkakasakit sa panahon ng bakasyon ay hindi palagiang dahilan upang isuspende ang bakasyon.
Subalit sa iyong sitwasyon, maaari mong isuspende ang bakasyon at sa halip ay mag-aplay ka ng sick-leave. Ito ay isa sa uri ng pagkakasakit na pinapayagan ang pagsuspende sa bakasyon na hindi kalimitan nangyayari tulad ng pagsakit ng ulo.

Obligasyon mo ang mag-abiso sa iyong employer o amo at sa Inps sa oras na mapatunayan ang iyong pagkakasakit.
Kung nais ng amo na malaman ang tunay na kalagayan ng kanyang empleyado, maaari niyang hilingin sa Inps na magpadala ng doktor sa tirahan ng maysakit, ito ay upang alamin kung totoong maysakit ang empleyado.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pace Dei Bambini – Mga Batang Pinoy sa Firenze hinangaan!

Kasunduan sa integrasyon – mga dayuhan inaasahang pipirma