Ito ay isang dokumentong kinikilala ng Estado na nagsasaad ng mga impormasyon tungkol sa kabuuang kinita sa loob ng isang taon at nagtatatag sa kaukulang halaga ng babayarang buwis.
Ang declaration of income (dichiarazione dei redditti) ay pwedeng isagawa ng sinuman na kumita ng salapi noong nakaraang taon; samantala, obligado ang mga self-employed na may partita IVA at mga negosyante kahit ang mga ito ay walang income.
Bawat taon, ang Agenzia dell’Entrate o ang Bureau of Internal Revenue ay naghahanda ng mga forms na gagamitin para sa deklarasyon ng kinikita, na kung saan ito ay nag-iiba depende sa pinagkakakitaan ng indibidwal o kompanya. Ang pinakakilalang form na ginagamit ay ang Modello 730 at ang mga Modello Unico
Ano ang tinatawag na CUD
Ang CUD (certificazione unica dei redditi) ay isang dokumento na ibinibigay taunan sa mga dependent wokers ns kumita mula sa iba’t ibang trabaho (tulad ng casual workers) at mga pensyunado.
Ang mga household workers kahit hindi sila nakakatanggap ng pay slip (busta paga), ang mga bollettini INPS ay tumutukoy sa halaga ng sweldo at contributi na binayran. Sila ay may karapatang humingi sa employer ng tinatawag na CUD.
Sa CUD makikita ang mga sumusunod:
– ang income noong nakaraang taon;
– Withholding Tax, deductions at mga karagdagang fiscal deduction para sa mga dependants;
– halaga ng binayarang kontribusyon sa insurance o babayaran sa mga local offices ng insurance;
Ang CUD ay nagsasaad ng halagang kinikita bawat taon, makikita dito ang sweldo o pensyon ng mga katauhang nabanggit sa itaas at mahalaga ito para sa income tax declaration.
Paalala!
Ang sinuman na makakatanggap ng CUD ay hindi kailangang magdeklara ng income kung ang taunang kinita ay nagmula sa subordinate job, assimilated o pension.
Ang Modello 730
Ang modello 730 ay maaaring ipresenta ng mga dependent workers at ng mga pensyunado; makakabuti na ipresenta ito ng sinuman na may dependants kahit ang mga ito ay hindi residente sa Italya. Madali itong kumpilahan at hindi nangangailangang magsagawa ng calculation.
Ang isang indibidwal na noong nakaraang taon ay nagbayad ng sobra sa inaasahang buwis ay may karapatang makakuha ng reimbursement, ito ibabalik na kabayaran ay nasa pay slip o busta paga o sa pensyon na tinatatanggap kada buwan. Samantala ang nagbayad ng menos ay magbabayad sa pamamagitan ng pagkaltas sa pay slip sa pensyon na tinatanggap.
Alin sa income ang dapat ideklara;
Ang modello 730 ay pwedeng gamitin upang magdeklara ng:
– income ng dependent workers;
– compensation
– income ng lupa at mga gusali;
– income mula sa puhunan;
– kinita sa pagiging self-employed na walang partita IVA;
– kinitang interest mula sa buwis
Sino ang maaaring gumamit ng Modello 730
Maaaring gamitin ang Modello 730/2009 ng mga sumusunod na taxpayer:
– pensyunado o mga empleyado;
– Mga taong tumanggap ng pinansyal na tulong bilang kahalili sa sweldong mula sa pagiging empleyado (halimbawa: indennità di disoccupazione);
-kasosyo sa kooperatiba;
– mga pari sa Simbahang Katolika;
– huradong pangkonstitusyunal; pambansang parliamentarians at iba pang nangangasiwa ng pampublikong elektibo tanggapan (rehiyonal na direktor, panlalawigan, munisipyo, atbp.)
– mga taong nakatutok sa pagtulong socially para sa kaayusan ng lipunan;
– mga magsasaka na hindi obligado magpresenta ng deklarasyon ng withholding tax (Form 770), IRAP at VAT.
Ano ang mga documentary requirements na dapat ihanda
Ang mga dokumentong kailangan para sa deklarasyon ng income ay ang mga sumusunod:
– Income declaration noong nakaraang taon;
– CUD
– personal information at TIN o ang tinatawag na Codice Fiscale ng mga dependants;
– sukat ng tinitirahang bahay kung mayroon nito;
– resibo at invoice (fatture) o voucher na may kinalaman sa gastos at pwedeng kaltasin sa tax na babayaran ( hal. medical expenses, resibo mula sa mga pharmacy, invoice mula sa dentista, mga gastos sa pangkalusugan, boluntaryong pinagbayaran sa insurance, mga tickets sa sasakyang pampubliko, naging interest sa loan, etc.).
Takdang panahon o deadline
Noong ika-30 ng Abril ang huling araw upang magsumite ng modello 730 na ginawa mismo ng employer o institusyon subalit posible pa rin magsubmit nito (modello 730) sa mga tanggapan ng CAF (centri di assistenza fiscale na tumutulong sa pagkumpila ng form) o kaya’y sa mga kwalipikadong propesyunal (hal. Accountants) bago mag-ika-1 ng Hunyo 2009.
Modello Unico
Ang modello Unico ay isang form na ginagamit upang magdeklara ng buwis, ito’y pwedeng gamitin ng:
– mga tao na walang CUD at hindi pwedeng magsumite ng modello 730;
– Mga tao na may higit sa isang trabaho (nagtrabaho sa iba’t ibang employers o nagtrabaho ng ilang
buwan lamang sa loob ng isang taon sa isang kompanya at lumipat sa ibang kompanya)
– mga indibidwal na may kinitang salapi noong nakaraang taon mula sa lupa, mga gusali, kolaborasyon,
occassional job o maaaring continious na trabaho, negosyo, pagiging empleyado o mula sa pensiyon;
– May atleast dalawang bagay ang dapat ideklara taunan ng taxpayer: ang Value added tax o VAT ang
IRAP;
– Mga domestic helpers o ang tinatawag na household service workers.
Anong dokumento ang dapat ipakita
– Income tax declaration noong nakaraang taon
– pangalan at codice fiscale ng kapamilya
– CUD noong nakaraang taon
– mga dokumentasyong may kinalaman sa pinagkakitaan (hal. lahat ng isinagawang trabaho na ginamitan
ng partita IVA);
– mga dokumentasyong may kaugnayan sa katungkulan at pinagkagastusang pwedeng kaltasin
(hal. resibo ng biniling gamot, pinagbayaran sa contributi at insurance, ticket sa pampublikong sasakyan, interest ng pinagbayaran sa loan, etc.)
Deadlines
Ang deadline sa pagsumite ng Modello Unico 2009 ay sa:
– bago sumapit ang ika-30 ng Setyembre 2009 kung ang deklarasyon ay isusumite sa pamamagitan ng telematic na isinagawa ng taxpayer o sa pamamagitan ng isang recognized agency o sa mismong Agenzia delle Entrate.
– mula ika-2 ng Mayo hanggang ika-30 ng Hunyo 2009 kung ang deklarasyong isinumite ay sa pamamagitan ng isang promularyo sa post office o bangko (ang paraang ito ay para lamang sa partita IVA holder). (ABM)