in

PAGPAPAHALAGA SA SAKRAMENTO NG KASAL, BUHAY NA BUHAY PA RIN SA PUSO NG MGA PILIPINO

Kasabihang “Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy,”  napatunayang totoo sa KASAL NG BAYAN 2010

Every bride-to-be has nurtured that dream wedding in her heart mula pa nang magka-isip siya – Church wedding na naka-traje de boda na parang prinsesa na makikipagpalit ng “I do’s” kay Prince Charming.  Totoo pa rin daw po ito.
 
Natupad ang mga pangarap ng anim na kopya na tumanggap ng sakramento ng kasal sa loob ng simbahan na naka-wedding gown sa pamamagitan ng programang KASAL NG BAYAN 2010 na ginanap sa Basilica di Santa Pudenziana sa Via Urbana sa Roma noong Hunyo 27, 2010.  Sila ay kinabibilangan nina Ms. Florida – Mr. Jovito Mejico, Ms. Eufrocina – Mr. Luis de Castro, Ms. Cynthia – Mr. Rolando Bacaricas, Ms. Nida – Mr. Antonio Arcano, Ms. Lailani – Mr. Robert Jacinto at Ms. Grace – Mr. Agapito Maiinit.

Ang kasal ay isang sakramento na nag-iiwan ng hindi mabuburang karakter sa sinomang tatanggap nito.  Kaya naman na madalas nating mabanggit na ang pinagsama ng Diyos ay hindi mapaghihiwalay ng tao.  Minsan lang tayong tatanggap ng sakramentong ito.

Minsan lang tayong ikakasal.  Minsan lang ito ngunit ito’y isang sumpaang pagsasama ng habambuhay ng dalawang nilalang – isang lalaki at isang babae, sa hirap man o ginhawa. 

Ang pagsasamang may basbas ng pari sa loob ng simbahan ay pinaniniwalaang higit na matibay ng mag-asawang Mr. & Mrs. Jovito Mejico.  Sa katunayan, hindi naging sapat sa kanila ang kanilang kasal sa huwes at pagsasama ng matiwasay sa loob ng mahigit na 30 taon. 

Ang mag-asawang Mejico ay minsan ding nangarap na magkaroon sila ng church wedding at ito ay naisakatupaan sa pamamagitan ng Kasal ng Bayan 2010.  Ganito rin halos ang motibo ng mag-asawang Mr. & Mrs. Antonio Arcano – ang makapagpalitan ng ”Opo, padre” sa tanong kung tinatanggap nila ang kanilang asawa na makasama sa habambuhay ang kanilang matagal ng pangarap. 
Kaya naman sa harap ng altar ng Basilica Santa Pudenziana sa harap ni Father Romeo Velos at mga saksi na halos kinabibilangan na ng kanilang mga naging supling, mga kaibigan at mga kamag-anak, ang nasabing kopya ay masayang nagpalitan ng ”Opo, padre!” 
Malaki ang naging ambag ng Centro Filipino Chaiplancy sa pagbuo ng mga pangarap ng mga mag-asawang Pilipino na nasa Italya na hindi pa kasal sa simbahan sa pamamagitan ng taunang programang KASAL NG BAYAN.  Sa ilalim ng programang ito maraming kopya ang makakatanggap ng sakramento ng kasal sa kadahilanang mismong ang Centro Filipino ay tumutulong sa preparasyon ng kasal.  Hindi biro ang malaking preparasyong kinakailangang gugugulin sa mga gustong makasal sa simbahan. 

Kaya naman marami pang inaasahan na matutulungan ang Centro Filipino Chaiplancy sa mga susunod pang mga taon para sa mga Pilipinong gustong tumanggap ng sakramento ng kasal sa mas maayos pero mas matipid na pamamaraan.  Ang aming pagbati sa mga bagong kasal.  ”Mabuhay ang mga bagong kasal!” (Rogel Esguerra Cabigting)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Thursday Forum sa Embahada, tampok ang programa ni Ambassador Romeo Manalo

Conversion ng Driver’s license sa Italya